Sulat mula kay Francisco ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
Mag-iisang taon na kami ng girlfriend ko nang magtapat siya na may nakauna na sa kanya. Itinuro niya ang kanyang first boyfriend na nakauna sa kanya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil ako’y wala pang karanasan sa sex kahit na lalaki ako. Daig pa talaga niya ako. Kinabahan ako dahil sakaling pakasalan ko siya ay baka iputan lang niya ako kapag kami’y ganap na mag-asawa na at nagsasama na nang legal. Nanghihinayang ako sa tagal ng aming relasyon at heto na nga ang masamang balita. Kung siya ang makakatuluyan ko, magiging maligaya kaya ang itatayo naming pamilya?
Umaasa,
F
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Isa lang ang magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang iyong first love at kauna-unahang naka-relasyon, tiyak ang magaganap siya na nga ang iyong makakatuluyan at makakasama habambuhay.
Cartomancy:
Six of Diamonds, Jack of Clubs, at Queen of Hearts (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing kahit hindi na virgin ang kasalukuyan mong girlfriend, siya na ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.
Itutuloy….
Baka ‘iputan’
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...