Mark ibinibigay lahat sa asawa ang sweldo sa GMA; Mang Tani babalik pa ba sa 24 Oras?

Nathaniel Cruz at Mark Herras

MARAMING realizations at napansing pagbabago sa kanyang sarili ang Kapuso actor-dancer na si Mark Herras mula noong magkaroon na siya ng sariling pamilya.

Ayon kay Mark, mas inuuna na niya ngayon ang kapakanan at pangangailangan ng kanyang asawang si Nicole Donesa at panganay na anak na si Baby Corky kesa sa sarili niyang mga gusto.

Sabi ng aktor, ibang-iba na ngayon ang mga priorities niya sa buhay, totoo raw pala yung sinasabi ng mga kaibigan niyang may asawa’t mga anak na talagang maiiba ang direksyon ng buhay ng isang lalaking may sarili nang pamilya.

“Nagkaroon ako ng suweldo sa GMA last payroll. Tapos sabi ko, ‘Ibibigay ko ba lahat ito?’ Ibinigay ko lahat sa asawa ko. Sabi ko, ‘Ito Itchy oh, wala akong binawas diyan, ha. Bigay ko sa ‘yo lahat ‘yan,” ang bahagi ng kuwento ni Mark sa nakaraang episode ng “Tunay Na Buhay.”

Aniya pa, “Tapos kapag may kailangan na lang ako, nanghihingi ako. Sabi ko ‘Itchy puwede ba akong manghiram ngayon? May bibilhin ako, eh.

“‘Yun pa lang naman ang pinakamalaking pagbabago,” sey Kapuso actor.

Tungkol naman sa relasyon nila ni Nicole, natutunan na rin daw ni Mark na magparaya at umintindi kung meron man silang hindi pagkakaunawaan o hindi pinagkakasunduan.

“Sabi ko nga kapag nag-a-argue kami, ‘Uuwi muna ako sa bahay.’ Kasi I have my house doon sa Filinvest. Pero ngayon nag-stay ako kina Ico (Nicole) kasi kasal na kami,” aniya pa.

Dagdag pa niya, pinipilit nila lagi ni Nicole na makapag-usap bago matulog para mapag-usapan ang mga issue sa kanilang pagsasama para masarap daw pareho ang gising nila kinaumagahan.

* * *

Wala namang dapat ipag-alala ang mga tagasuporta ni Mang Tani na nakaka-miss na sa kanya dahil nagbabakasyon lang pala ito sa Australia kaya hindi siya napapanood lately sa Kapuso news program na “24 Oras.”

Mismong ang “24 Oras” anchors na sina Mel Tiangco, Vicky Morales at Mike Enriquez ang nagbahagi ng update tungkol sa resident meteorologist ng GMA News.

Marami na rin kasi ang nagtatanong kung bakit hindi nila napapanood si Mang Tani kaya naman gumawa ng cute na shout-out ang tatlong news anchors para kay Mang Tani. 

“Bago po tayo magtapos shout-out muna tayo sa ating ekspertong totoo, si Mang Tani, si Ginoong Nathaniel Cruz,” panimula ni Mel.

“Si Mang Tani po ngayon ay nasa Melbourne, Australia kasama ang kanyang pamilya,” paglalahad ni Vicky.

“Alam naman namin na marami nang nakaka-miss kay Mang Tani, ang aming resident meteorologist,” say pa ni Mike.

Nakabase sa Australia ang pamilya ni Mang Tani kaya naman madalas talaga siyang magpunta roon.

Tulad ng kanyang kasamahan sa “24 Oras”, miss na rin ng viewers si Mang Tani pero deserve niya rin naman magbakasyon kasama ang kanyang pamilya. Abangan na lang natin ang kanyang pagbabalik.

Read more...