RR nakisawsaw sa isyu ng pagkukumpara kina Denise at Sandra

UMEKSENA na naman ang self-proclaimed “Queen SawsaweRRa” na si RR Enriquez sa isyu ng pagkukumpara kina Denise Laurel at Sandra Lemonon.

Si Denise Laurel ang dating fiancé ng basketbolistang si Sol Mercado na ngayon ay karelasyon ni Sandra Lemonon.

Matatandaang nag-propose ang basketbolista sa aktres noong 2013 ngunit matapos ang tatlong taon ay naghiwalay ang dalawa.

At ngayon ngang isinapubliko na ni Sol ang kaniyang bagong pag-ibig na si Sandra ay marami ang mga netizens na napataas ang kilay at sinabing ‘di hamak na mas okay raw ang ex-fiancé ng basketbolista kesa sa current dyowa niya.

Kaya naman napasok sa eksena si RR ay dahil may nag-send sa kaniya ng link ukol sa isyu at tinanong siya kung makikisawsaw raw ba siya.

At bilang dakilang “Marites”, ibinahagi ng businesswoman ang kaniyang opinyon sa Instagram account nito.

“There’s a lot of people talaga na epal at kupal noh? Yung ang lakas ng loob to go through someone’s social media account just to bash or just to say stupid things..

“My opinion about this.. Please stop comparing na better si ganito or better si ganyan.. Coz to be honest lahat tayo may good and bad side. May strong and weakest side,” umpisa ni RR.

Aniya, iba iba ang tao sa relasyon ngunit hindi ibig sabihin na kapag nagtapos ito at nakahanap na ng bago ang isa ay mas better agad ang bago o kaya mas okay ang lumang karelasyon.

Dagdag pa niya, tigilan na ang pagkukumpara at irespeto na lamang ang kanilang “new found love” lalo na’t hindi naman galing sa “agaw” ang kanilang relasyon.

“They’re are my friends and i love them in different ways.. Walang better better… Acceptance and respect ang kailangan,” sey pa nito.

Read more...