NAGDIRIWANG ang buong Cornerstone Studio na line producer ng “Nina Nino” at “Sing Galing” na umeere sa TV5 dahil parehong nanalo sa Asian Academy Creative Awards National Winner 2021 Philippines.
Nakamit ng “Sing Galing” ang Best Non Scripted Entertainment, Best Actress si Maja Salvador at Best Drama series naman ang “Nina Nino”.
Hindi apektado ang programang “Nina Nino” sa tsikang lilipat si Maja Salvador sa GMA o partikular sa “Eat Bulaga” bilang isa sa host dahil tuluy-tuloy pa rin daw ang taping nila, ayon mismo sa taga CS Studio.
Sabagay kung EB lang ang programa ni Maja ay hindi nga talaga maapektuhan ang tapings niya dahil puwede naman siyang sumegue pagkatapos ng nasabing noontime show.
Maliban na lang kung gagawa ng teleserye si Maja sa GMA, e, doon magkaka-problema sa “Nina Nino” dahil baka tapusin na ito.
Pero knowing Maja hindi niya iiwan ang Nina Nino dahil ito lang ang nag-offer sa kanya ng teleserye pagkatapos ng Sunday Noontime Live na hindi tumagal sa ere.
Maganda ang ratings game ng “Nina Nino” kaya nga na-extend sa season 2 bukod dito ay masaya ang lahat sa tapings, walang problema sa cast at production lahat magkakasundo, walang mga pasaway kaya walang dahilan para iwanan ito ng aktres.
Tapos heto, nanalo pa siya ng award, ang kauna-unahang international award niya bilang best actress ang Asian Academy Creative Awards 2021 bukod pa sa best drama series.
Saka nabanggit noon ni Maja na walang offer sa kanya ang GMA 7 na gumawa ng teleserye kaya paano nga niya iiwan ang “Nina Nino”?
“CONGRATULATIONS TO MY #NiñaNiño Family! Direk @thopnazareno husay mo! Kuya @bedia.john and renz congratulations!
“Congratulations to my @csstudiosph Family @visionerickson @jeffvadillo @piolo_pascual
“Congratulations my @cignal.tv @tv5manila Family 🤍
“Thank you @asianacademycreativeawards 🤍
SALAMAT PO LORD. SALAMAT PO SA PAGMAMAHAL MO,” bati nito sa buong team sa kaniyang Instagram account.