“ORAS na para magpunta ng parlor! Wagi ang mga beks!”
Ilan lamang ito sa mga komento ng madlang pipol sa pagkapanalo ni Beatrice Luigi Gomez bilang Miss Universe Philippines 2021.
Naganap ang coronation night sa Panglao, Bohol kung saan mula sa 28 finalists na nakapasok ay namukod-tangi ang ganda at talino ng dalaga na magrerepresenta sa Pilipinas sa darating na Miss Universe 2021 na gaganapin sa Israel ngayong Disyembre.
Bukod sa deserve na deserve namang talaga ng dalaga ang korono, gumawa rin ito ng kasaysayan matapos maging kauna-unahang proud and loud member ng LGBTQ+ community na magkamit ng korona bilang Miss Universe Philippines.
Bumuhos ang pagmamahal, pagsuporta, at pagsaludo ng mga netizens para sa dalaga lalong lalo na sa Twitter.
“Beatrice Luigi Gomez has a tattoo; has a girlfriend. A proud member of the LGBTQIA+
Not your typical pageant candidate? Yes because she is a QUEEN and is meant to take home the Miss Universe Philippines 2021 crown,” comment ng isang netizen.
“Our first openly LGBTQIA+ Miss Universe Philippines Representative. Gorgeous, smart, and brave.
You will represent us well in Miss Universe 2021,” sey naman ng isa pa.
“The new Miss Universe Philippines is a proud LGBTQIA+ member.
The gays are literally winning tonight! Congratulations Beatrice Luigi Gomez of Cebu City,” hirit pa ng isa.
Bagamat isa itong masayang balita, hindi naman kaila sa madlang pipol ang pinagdaanang panghuhusga ni Bea bago makamit ang korona.
“When people condemn me because they say it is not what it says in the Bible, somehow I’m always reminded that being able to say who I am on stage in front of thousands of people was what God wanted me to do,” saad ng dalaga noong 2020 sa kaniyang Instagram post.
Ngunit marami man ang natamo nitong masasakit na salita mula sa mapanghusgang lipunan ay nagbunga naman ito dahil sa kaniyang pagkapanalo.
Nag-viral rin ang mga litrato ni Bea kasama ang kaniyang girlfriend na si Kate Jagdon.
Mula pa man noon ay bukas na si Bea sa kaniyang relasyon for almost 7 years.
Sa kaniyang istorya mula sa Cebu Daily News, naikuwento niya na habang lumalaki siya ag narerealize niya na attracted siya on both sexes.
“Just like what everyone hopes for in the LGBTQIA+, I aspire for acceptance and inclusivity — especially equal rights and protection for the younger generation who oftentimes suffer from bullying and different forms of violence. They are left to fend for themselves, particularly those that are oppressed by their own parents,” dagdag pa niya.