Britney Spears malaya na mula sa kaniyang ama: On a cloud 9 right now

BRITNEY SPEARS

MALAYA na ang international singer na si Britney Spears mula sa kaniyang ama matapos isuspende ng judge si Jamie Spears bilang conservator ng singer.

Base sa naging court hearing, agad na ipinag-utos ni Los Angeles Superior Court Judge Brenda Penny na alisin ang ama ng singer sa pangangasiwa ng $60 million estate ng anak.

“The current situation is untenable,” saad ni Judge Penny matapos marinig ang panig ng nawat kampo.

“It reflects a toxic environment which requires the suspension of Jamie Spears effective today,” dagdag pa nito.

Sey pa ni Judge Penny, magkakaroon ng hearing sa Nobyembre 12 para i-discuss ang petition para tuluyang mapawalang-bisa ang conservatorship na kumukontrol sa business at personal affairs ni Britney.

Halata naman ang labis na tuwa ng pop star sa naging pasya ng korte dahil ilang taon na rin naman siyang nakikipaglaban para sa kaniyang kalayaan.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng pop star ang isang video kung saan makikitang nakaupo siya katabi ng isang piloto sa cockpit ng eroplano habang tinuturuan siya kung paano mag-maneuver ng mga controls.

Ito ay kaniyang ipinost matapos ang naging ruling ni Judge Penny bagamat hindi niya direktang binanggit ang tungkol sa conservatorship ng ama.

“On cloud 9 right now!!!! First time flying a plane and first time in a prop plane,” saad niya sa post.

Pansamantala namang papalit kay Jamie Spears ang accountant na si John Zabel.

Read more...