Ces Drilon at Toni Gonzaga
MATAPANG ang reaction (although too late na) ni Ces Drilon sa interview ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos.
Kung controversial ang nasabing interview, siguradong magdadagdag sa controversy ang tweet-reaction ni Ces.
“Am so sad to watch Toni Gonzaga interview BBM. Sorry delayed reaction. Ngayon ko lang nakita kasi I thought I should watch him. Yes he learned a lot from his father-HOW TO PLUNDER THE NATION,” tweet ni Ces.
As expected, ang daming nag-react sa tweet na iyon ng news anchor.
“The saddest thing there is that the one interviewing is someone who should know better. Wala man lang regrets sa kanyang ginawa. She allowed to be used by someone who is greedy of power.”
“When she interviewed you, I have to say, ikaw ang nagdala. Your storytelling was so compelling na kahit alam ko na yung story mo, it’s like I was hearing it for the first time.”
“Toni is gaining more followers. Blind followers. In effect she earn more from it. Dun na natapos. Haist. Sayang.”
“Yeah sad is nagamit or nagpagamit siya she should have at least corrected him, naisip ko tuloy yung company kung saan siya nag work na biktima ng martial law.”
“True. Kahit pa ninong nya sa kasal si BBM, she could have refused him and excused herself by citing impropriety as regards to the bitter history of her parent company with the Marcoses.”
“I didnt watch it i just rely on the reviews of katweets and i trust their insights. Nadagdagan disappointments ko kay toni frm the day na nawalan ng franchise Abs d nafeel ung pag defend nya ung concern. Self interest din pala cya.”
“It wasn’t under Toni’s control on how BBM would respond to her questions. Shouldn’t we just look on its positive impact…coz it definitely proved who deserve a government seat. And it even gave more awareness of the truths.”
Mag-react kaya si Bongbong sa maanghang na tweet ni Ces?
* * *
Mahalagang papel ang gagampanan ng multi-awarded actor na si Christopher de Leon sa buhay ni Mira (Andrea Brillantes) sa pagpasok niya sa bagong kabanata ng inspirational teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” ngayong Oktubre.
Si Christopher ang gaganap sa misteryosong si Elias na mapapalapit kay Mira at sa mga kapwa nitong mga ampon na nakatira sa ilalim ng malupit na pamamahala nina Thelma at Armand (Andrea del Rosario at Richard Quan).
Kalaban ang unang tingin ni Mira kay Elias dahil katuwang ito nina Thelma at Armand sa mga iligal nilang gawain. Pero kalauna’y lalo pang makikilala ni Mira si Elias dahil ipagtatanggol siya nito mula sa pang-aabuso na ginagawa sa kanya.
Sa Hermoso naman, naiwang desperado sina Joy (Francine Diaz), Barang (Sylvia Sanchez), at ang mga kaibigan nila sa paghahanap kay Mira dahil hanggang ngayon ay hindi sila sigurado kung ligtas ba ito.
Pagkakatiwalaan nga kaya ni Mira si Elias? Si Elias ba ang magbibigay ng liwanag o unos sa buhay ni Mira?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel.