Kuya Kim tuloy na raw ang paglipat sa GMA, may bonggang anunsyo sa TV Patrol

Kim Atienza

IISA ang hula ng mga netizens tungkol sa isang “Kuya” mula sa ABS-CBN na lilipat na rin very soon  sa Kapuso Network.

May ipinost kasi ang GMA 7 sa kanilang social media accounts tungkol sa isang kilalang celebrity na magiging certified Kapuso na rin tulad nina Bea Alonzo, Xian Lim, Richard Yap at Beauty Gonzalez.

Isang malabong litrato ng lalaking may suot na sumbrero at may pa-finger heart sign (ala-Korean) ang makikita sa nasabing post na may nakasulat na, “Paparating na si Kuya, mga Kapuso! Abangan!”

Kung sisipating mabuti ang litrato, makikita ang itsura ni Kuya Kim Atienza na matagal na ngang napapabalita na aalis na rin sa ABS-CBN para mag-ober da bakod sa ibang network.

In fairness, halos lahat ng nag-comment sa nasabing post ng GMA sa Instagram at Facebook ay si Kuya Kim ang hula.

Kasunod nito, may kumalat namang ilang litrato sa social media kung saan makikita ang isang taong sakay ng motorsiklo na naka-leather jacket, denim jeans at boots na pinaniniwalaang si Kuya Kim.

Dumiretso raw ito sa GMA Network building sa Timog Avenue, Quezon City para kunan daw ang Opening Break Bumper o OBB ng bago niyang programa sa Kapuso station.

Tila may paramdam na rin ang TV host tungkol dito nang mag-Facebook Live siya kagabi. Aniya, “Alam ko bakit napakaraming mga viewers natin ngayon, lalung-lalo na sa Facebook, kasi may mga kumalat na post tungkol sa mga gagawin ko daw sa mga susunod na araw, mga desisyon na gagawin ko sa mga susunod na araw.

“For those who follow me here on Facebook and YouTube, Kuwentuhan with Kuya Kim, remember, a couple of weeks ago, I was… I told you to pray for me because I am in transition. Remember that?

“I will always be very truthful to you, my Facebook and YouTube followers, utang na loob ko sa inyo for following me and for being with me through hard times and good times.

“And that period of transition is still ongoing. Transition. What does transition mean? Transition is moving from Point A to Point B. This is what I can say — the transition is real,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “I cannot tell you any specifics, any specific as to what transition, to where, and the details. But I would highly suggest that you watch me on TV Patrol this coming Friday. It will be a very historical day for me on TV Patrol on Friday.

“Watch TV Patrol on Friday, and watch my segment on TV Patrol on Friday, and I’ll be truthful. I’ll tell you what’s going to happen.

“But, you know, because when you follow me here on Facebook and YouTube, that Kuya Kim has been in transition, and has been praying for transition, peaceful transition and peaceful seamless transition.

“You know, I’ve been gifted by the Lord with signs whenever I pray for signs, whenever I have to make a big decision.

“I pray for signs, and the signs have been so clear whenever it’s His will. Whenever it’s His will, the signs are so clear in the decision I make,” sabi pa ni Kuya Kim.

Read more...