Bienvenido Lumbera
SUMAKABILANG-BUHAY na ang National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera kaninang umaga, Sept. 28. Siya ay 89 taong gulang.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Tala ang malungkot na balita at sinabing “due to complications of stroke” ang ikinamatay ng ama.
“Salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal sa aming Tatay. Masaya kami dahil din Tatay lived a long and full life. Nakapagpaalam din ang halos lahat sa kanya before he passed on,” ani Tala sa panayam ng ABS-CBN.
Ayon sa ulat, magkakaroon ng Novena mass at memorial para sa labi ni Lumbera tuwing 8 p.m. mula Sept. 28 hanggang Oct 6. Wala pang karagdagang detalye hinggil dito.
Kinilala ng bansa ang mga naiambag ni Lumbera sa Filipino Literature, pelikula, stage and cultural studies hanggang sa hiranging National Artist noong 2006.
Ilan sa mga natanggap niyang awards ay ang mga sumusunod: 1975 Palanca Award for Literature; 1993 Magsaysay Award for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts; 1998 Philippine Centennial Literary Prize for Drama; 1999 Cultural Center of the Philippines Centennial Honors for the Arts at marami pang iba.
Isa rin siyang aktibista noon at isa sa mga esyudyanteng nakipaglaban sa rehimeng Marcos. Inaresto siya noong panahon ng martial law (1974), at nakulong ng isang taon.
Isa rin si Lumbera sa mga miyembro ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Screening Committee at siya rin ang nag-a-announce sa publiko ng mga napiling entry.
Bumuhos naman sa social media ang mga mensahe ng pakikiramay sa pagkamatay ni Lumbera.
Narito ang Facebook posy ng direktor na si Jose Javier Reyes, “Nagbalik ka na, Mahal has inspired me to discover new heights of lyricism in the Filipino language.
“Thank you for your eternal words and the greatness that you have given to the value of language in literature and music.
“Goodbye, Sir Bienvenido Lumbera. You are more than a National Artist. You are a National Inspiration as you have remained a teacher for the entirety of your beautiful life.”
Ito naman ang mensahe ng pamamaalam ng batikang manunulat na si Lualhati Bautista para sa pumanaw na National Artist, “Paalam, Bien, (Bienvenido Lumbera), Pambansang Alagad ng Sining. Isa ka sa mga taong mahal ko talaga.
“Pakikiramay sa iyo, Cynthia, sa pamilya, sa lahat ng manunulat, estudyante, at mga kaibigan. Dala mo ang aming taos-pusong pagpupugay.”
Lahad naman ni Ricky Lee sa panayam ng ABS, “Bien has always taken care of me, lalo na noong nasa kulungan kami sa Ipil sa Fort Bonifacio, at matagal akong nagkasakit.
“Lima kaming magkakasamang nakulong, at magkakasama ding nakalabas after a year. Lagi siyang nandiyan to give blurbs and introductions to my books. Laging nandiyan kapag may mga book launch ako o party. Laging nandiyan tuwing may kailangan ako. Ngayon ay wala na siya.”
Pero sa huling pag-uusap daw nila ay nabanggit ni Lumbera na handa na siyang mamaalam sa mundo, “Bien said he was ready to go.”