Liberal Party may ieendorsong limang senatoriables sa 2022 elections

File photo

ISINAGAWA ng Liberal Party ang kanilang virtual National Executive Council meeting ngayon araw, Set. 28.

Ilan sa mga dumalo ay sina Vice President Leni Robredo, Sen. Francis Pangilinan, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Rep. Kit Belmonte, dating Reps. Teddy Baguilat at Erin Tañada.

Una sa pulong ang nominasyon kina Pangilinan, Sen. Leila de Lima at dating Sen. Bam Aquino bilang senatorial candidates ng partido.

Ipinasa din ang resolusyon na nag-eendorso kina Akbayan Sen. Risa Hontiveros at Atty. Chel Diokno.

Suportado din ng pamunuan ng partido ang mga ginagawang hakbang ni Robredo para makabuo ng koalisyon, gayundin, binigyan kapangyarihan ito na bumuo isang united ticket ng mga kandidato para sa 2022 national elections.

“Tungkulin ko na sagarin ang lahat ng pwedeng sagarin… kausapin ang lahat ng dapat kausapin, magnilay at magdasal nang husto, at i-exhaust ang lahat ng possible avenues to present the best chances for better governance come 2022,” ang una nang sinabi ni Robredo.

Samantala, ipinasa din ng Liberal Party ang isang resolusyon na nagbigay pagkilala sa yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“A stalwart of liberal democracy and a staunch believer in people-centric, people-led governance… he valued freedom above all else, and sought first the Filipino people’s freedom from hunger, from poverty, from ignorance, and from insecurity, instituting massive interventions towards empowerment so that the Filipino may exercise the rest of their freedoms in a manner that is both enlightened and responsible,” ang mababasa sa resolusyon patukoy sa yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

Read more...