Maggie Wilson, Victor Consunji hiwalay na makalipas ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa

Victor Consunji at Maggie Wilson

MAKALIPAS ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na rin ang TV host at dating beauty queen na si Maggie Wilson at ang negosyanteng si Victor Consunji.

Mismong si Maggie ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa pamamagitan ng ipinost niyang joint statement sa kanyang Instagram account.

Aniya, mutual decision ang paghihiwalay nila ni Victor ngunit mananatili raw silang magkaibigan. May co-parenting agreement na rin daw sila para sa pag-aalaga sa nag-iisa nilang anak na si Connor.

“We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate.

“It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us.

“We will always love and support each other no matter what.

“We will always be family as we share our beautiful son, Connor, together.

“We have remained really good friends and partners and will continue to do so.

“Both of us want nothing more than for each other to be happy,” ang mensaheng ibinahagi ni Maggie sa madlang pipol.

Pakiusap pa ng aktres at 2007 Binibining Pilipinas World sa kanilang mga kapamilya, kaibigan at tagasuporta, “We’d like to ask for your kindness, understanding, love and support as we navigate this new chapter in our lives.”

Marami naman ang nagpahayag ng suporta kay Maggie sa paghihiwalay nila ng asawa ngunit may mga nanghinayang din sa mahigit isang dekada nilang pagsasama bilang married couple.

Kung matatandaan, ikinasal sina Maggie at Victor noong Dec. 18, 2010.

Read more...