WILLIE binarat ng TV5 kaya nag-resign na lang


HOW true, ibinebenta na raw ni Willie Revillame ang Event’s Place building niya na nasa Sgt. Esguerra Street malapit sa ABS-CBN?

Nakatsikahan namin ang kaibigan ng broker na nagbebenta ng nasabing property ni Willie, “Kailangan ni Willie magbawas ng property kasi papatayin siya sa tax, lalo na ngayon at wala na siyang show at hindi rin naman kumikita ang Event’s Place niya. E, sobrang mahal ng turing, hindi ko alam kung may bibili du’n,” sabi sa amin.

May counter-offer naman daw ang TV5 kay Willie para sa bago niyang kontrata pero imbes na tumaas ang talent fee niya ay sumobrang baba raw nito na hindi nagustuhan ng TV host kaya nag-offer na itong mag-resign bagay na hindi naman pinigilan ng may-ari ng Kapatid station na si Manny V. Pangilinan.

Dagdag tsika pa sa amin tungkol naman sa Will Tower condo nito sa may Audience Entrance ng ABS, “Lupa lang ang kay Willie roon, hindi totoong hati sila ni Manny Villar, ang ibinigay lang kay Willie ay isang buong floor na gagawin niyang office at siguro half-way house niya at kung anu-ano pa.”

Nagulat kami kasi kung hindi ito kay Willie, bakit todo-todo ang promo niya at balita namin ay siya rin ang nakialam sa interior design nito na mala-5 star hotel nga ang peg?

Tinext namin si Nay Cristy Fermin kahapon tungkol sa pagbebenta ng Will Events Place, pero natapos na naming tipahin ang kolum na ito ay hindi pa kami sinasagot ng isa sa mga hosts ng bagong showbiz oriented show ng TV5 na Showbiz Police.

( Photo credit to Google )

Read more...