Angel may ibinuking tungkol kay Anne: Grabe rin yung taong yun!

Angel Locsin at Anne Curtis

“HINDI ako sobrang yaman, mas maraming mas mayaman sa akin sa industriya (ng showbiz),” ang bahagi ng pahayag ni Angel Locsin nang mapag-usapan ang walang katapusang pagtulong niya sa mga nangangailangan.

Ayon sa Kapamilya actress-TV host, hindi naman daw niya pinlano o naisip noon na darating ang araw na magkakaroon siya ng mga adbokasiya na kanyang ipaglalaban para sa taumbayan.

Marami ang nagsasabi na dahil sa dami na ng natulungan ni Angel mula pa noong magsunud-sunod ang kalamidad sa Pilipinas pwedeng-pwede na siyang pumasok sa mundo ng politika.

Kung tatakbo nga raw ang asawa ng producer film na si Neil Arce ngayong darating na 2022 elections ay sure na sure na ang pagkapanalo niya.

Ngunit muling ipinagdiinan ng aktres sa guesting niya sa Celeste Tuviera YouTube channel na walang-wala sa isip niya ang pagtakbo at ang ginagawa niyang pagtulong sa sambayanang Filipino ay walang halong kulay-politika.

Sa nasabing vlog, natanong nga si Angel tungkol sa kanyang mga advocacy, kabilang na ang “Shop and Share” na isang online fundraising campaign.

Sinimulan ito ni Angel noong manalasa sa bansa ang bagyong Ondoy kung saan nakasama niya ang kaibigang TV host-actress na si Anne Curtis. 

Ayon kay Angel, si Anne raw ang unang-unang sumagot nang mag-text siya about the fundraising project. Super bilib din daw siya sa aktres dahil sa mga ginagawa nitong pagtulong sa mga nangangailangan.

“Mga ganu’ng project hindi lang naman ikaw yan eh, tulungan yan. Maaaring ikaw ang nakaisip, pero hindi tatakbo yan kung walang sumuporta, walang tumulong din,” sabi ng tinaguriang real life Darna.

“Si Anne yung unang nag-reply sa message ko, at hanggang ngayon, sobrang…kapag kausap ko si Anne sa mga ganu’n. Jive kami, eh. Pareho kami ng gusto,” lahad ni Angel.

Aniya pa, “Tulong lang. No fanfare. No anything. Tapos, grabe rin yung magtrabaho yung Anne. Alam ko nu’ng nagsisimula pa lang ang Showtime noon, iba rin ang drive niya.

“Halos hindi na siya natutulog, mula sa Shop Amd Share, didiretso siya sa Showtime, tapos after ng Showtime didiretso na siya uli sa amin, work na uli siya para raw mas bumilis yung pagpe-prepare namin.

“Kasi kami talaga ang nag-e-encode, lahat. Papalinis namin (mga items). Ie–encode namin. Nagse-search kami sa internet nu’ng mga description ng mga bags, lahat ng mga kailangan, kami nag-aayos,” kuwento pa ni Angel.

Kung matatandaan, mismong si Pasig City Mayor Vico Sotto ang nagsabi na bilib na bilib siya kina Angel at Anne pagdating sa usapin ng pagtulong.

Mula sa Shop And Share ay nakapag-donate ng P2 million sa Pasig government ang dalawang aktres at ginawa nila ito ng walang media coverage.

Iniwan lang daw ng dalawang Kapamilya actress ang tseke at walang fanfare at media coverage. Hindi rin daw niya nakita o nakausap sina Anne at Angel.

Ayon kay Vico noon, ang ibinigay ng magkaibigang celebrity ay idadagdag nila sa vaccination fund.

Read more...