Kim Chiu
NAG-SORRY si Kim Chiu sa isang netizen matapos siyang pagsabihan ng kanyang pagkakamali while she was hosting a segment sa “It’s Showtime”.
Nag-trend ang beauty ni Kim dahil sa kanyang blooper sa “Tawag Ng Tanghalan” where she reacted to the name of one contestant, Psalm Manalo.
“Ang ganda ng pangalan niya, Ma, ano? Psalm. Parang mga gospel iyan sa Bible,” say ni Kim kay Vice Ganda.
“Psalmo, Psalmo,” sagot naman ni Kim, sabay dagdag nito, “Psalm 3:16 For God so loved the world, He gave up His only son, ‘di ba?”
Doon sumablay si Kim dahil ang binanggit niya ay ang bible verse na John 3:16 which said, “16 For God so loved the world that He gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.”
“Ano na naman to, Kim Chiu? May revision ba sa bibliya?” say ng isang netizen sa Twitter.
“Thank you hehe sensya po,” say ni Kim sa kanyang bible verse blooper.
With that, umariba ang bashers ni Kim sa social media.
“Sinadya man o hindi, hindi siya nakakatawa. Bilang isang public figure, sana isapuso nila na maging mas sensitibo lalo na kapag bibliya ang pinag-uusapan. Sinadya man o hindi, nakakabastos ang ginawa niya. Minsan kasi, sa kakatry natin na maging patawa, hindi natin napapansin na nakakabobo na.”
“She must be reprimanded on this! Even hosting should have its formalities and limitations. Study your lines, be sensitive to your extension spiels or ad libs.”
Pero meron namang nagtanggol sa “It’s Showtime” host.
“its clear na she made a mistake and understandable, we must careful na huwag mag judge, honestly i laughed too, but i am reminded to be careful, huwag maging self righteous and proud.”
“Pag nagkamali correct natin…don’t judge or you too shall be judged! hindi naman cguro deliverate na nasabi nya Psalm 3:16 na dapat John 3:16…Psalm kc name nung contestant… it’s more Christian to use appropriate words to correct a person…good thing may natatandaan sya Word of God that would definitely change her life along the way.”
* * *
Kalupitan ang kapalit ng pagmamakaawa ni Joy (Francine Diaz) na tanggapin siyang muli ng salbaheng tiyahing si Deborah (Eula Valdes) sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Nawalan na ng masasandalan si Joy dahil sa biglaang pagkawala ng kapatid niyang si Mira (Andrea Brillantes) at ng lola nilang si Barang (Sylvia Sanchez) na muling pinadala sa isang mental facility, kaya naman mag-isa na lang niyang hinaharap ang mga pagsubok sa buhay at ang pagdadalamhati sa balitang patay na ang nanay nila ni Mira.
Pagkatapos lumuhod at humingi ng tawad kay Deborah, tinitiis ngayon ni Joy ang pang-aabuso sa kamay ng pekeng faith healer para mapalapit dito at maimbestigahan ang mga iligal na gawain nito.
Umaasa kasi si Joy na kapag napabagsak niya ang tiyahin ay mabubuong muli ang kanyang pamilya.
Habang palakas nang palakas ang pwersa ni Deborah sa Hermoso sa pagdami ng mga debotong handa siyang ipagtanggol, napapalapit naman si Eva (Mylene Dizon) sa katotohanang tiwaling mayor ang asawa niyang si Miguel (RK Bagatsing) na kasosyo si Deborah sa mga iligal na gawain.
Dahil sa nararamdamang pag-iisa, tuluyan na bang tatalikuran ni Joy si Bro? Kakalimutan na rin ba ni Joy si Mira?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel.