TITO, VIC, & JOEY takot na takot sa multo; RYZZA MAE may masamang binabalak | Bandera

TITO, VIC, & JOEY takot na takot sa multo; RYZZA MAE may masamang binabalak

Ervin Santiago - September 10, 2013 - 03:00 AM


Ha-hahaha! Tawa rin kami nang tawa habang nanonood kami ng The Ryzza Mae Show kahapon sa GMA 7. Guest ni Ryzza Mae Dizon ang mga babaeng anak nina Tito, Vic & Joey na sina Ciara Sotto, Danica Sotto at Jocas de Leon.

E, kasi nga ibinuking ng mga ito ang isang “sikreto” ng kanilang mga ama. Tinanong kasi ni Ryzza ang tatlong girls kung sino kina Tito Sen, Bossing at Joey ang takot sa multo – at sabay-sabay nga silang sumagot na lahat ng tatay nila ay afraid sa ghost.

Kuwento ni Ciara, “Lahat sila takot sa multo, kasi may mga naging experience na rin sila, lalo na noong nagsu-shooting sila sa Baguio. May mga nagpaparamdam sa kanila.

Du’n sa shooting nila, bigla na lang silang may naaamoy na mabaho, ganu’n.” Hirit naman ni Danica, “Actually, marami na silang mga ganu’ng experience, meron din sila sa Ilocos, di ba?

Tapos sumiksik talaga sila kay tita Ruby (Rodriguez) dahil takot na takot sila. Ha-hahaha! Kaya nga ayaw nila ng madilim. Kapag galing sila sa burol for example, hindi sila mag-i-stay sa mga dark na lugar.”

Sundot naman ni Ryzza, “Ay talaga po, takot sila sa madidilim na lugar. Sige po, kapag biniro nila ako, lagot sila sa akin, papatayan ko sila ng ilaw!” na ikinatawa talaga nina Ciara, Danica at Jocas.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending