Epy walang ieendorsong kaibigan na tatakbo sa 2022; inatake ng depresyon dahil sa socmed

Dolphy at Epy Quizon

NAGDESISYON ang veteran actor at direktor na si Epy Quizon na huwag nang gumamit ng social media dahil nagiging sanhi raw ito ng kanyang depresyon.

Paliwanag ng anak ng Comedy King na si Dolphy, noong 2017 pa raw siya humintong gumamit ng social media at so far, nakakaya pa rin naman niyang mabuhay nang normal.

“I decided to take social media out kasi I get depressed. Nade-depress ako kapag nakikita kong nag-aaway ang mga tao. Minsan, kapag may ipo-post ka, tapos may titira sa ‘yo dahil may ipinost ka. 

“Sa loob-loob ko naman, hindi naman ako ang nag-post niyan, shinare ko lang, tapos magagalit kayo sa akin. I mean, the world became small,” aniya pa.

“Ako kasi, madali akong tamaan. May magsabi lang sa akin na, ‘Ang baduy mo, Epy,’ ano na, ‘Ay, baduy daw ako.’ Dinadala ko siya, I cannot just put it aside. Ano ko, marupok ako in terms of social media, so I don’t think I am for that,” pag-amin ni Epy.

At dahil nga sa pagiging toxic at nega ng socmed ngayon, naisip ni Epy at ng mga kasamahan niya sa Epyq Films at Local Sons Entertainment na buuin ang MagkaisaPH advocacy campaign.

“Isa na rin yun kung bakit dito sa MagkaisaPH sinama ko rin. I’m sure marami ring nade-depress kapag nasa social media sila.

“Lalo na ngayon, pandemya, makikita nila yung kaibigan nila bumibili ng Louis Vuitton, ‘tapos sila walang pambili ng pagkain, di ba? I don’t blame people for posting what they have.

“Pero sa akin lang, I didn’t see the reason anymore why I should be using social mediabesides promoting what I do. Again, I don’t want to promote what I do naman because what I do is mas collaborative,” sey ng aktor.

Patuloy pa niyang paliwanag, “So with MagkaisaPH, sabi ko, dito ako magbubukas ng social media but I will have my son to handle it for me. Hindi na talaga ako marunong, maski nga sa Zoom nahihirapan ako. So, sabi ko I’ll have my son Sandro to help operate my social media for me.”

“With this project, less personal life but more on the dream that my father had. Yung dream ng tatay ko na makatulong sa bayan.

“Siguro yun lang, itutuloy ko lang ang dream niya na makatulong maski hindi ka umapak sa politika,” sabi pa ng aktor.

Ipinagdiinan din ni Epy na wala siyang balak tumakbo sa darating na eleksyon. Bitbit daw niya hanggang ngayon ang sinabi noon ni Mang Dolphy tungkol sa politika.

“Palagi nga niyang sinasabi na, ‘Ang daling manalo, pero anong gagawin ko kapag nanalo ako.’ Same here. I’m a storyteller, I’m not a politician.

“Ilang beses na akong pinatakbo, kung saan-saan. Meron pang yung ‘Quizon para sa Quezon City,’ may mga slogan pang pinipresenta sa akin, pero sabi ko, okay lang ako. I’ll be a storyteller and that’s what I’ll do.

“Kumukha nito, halos lahat kaibigan ko ang tatakbo, lahat ng mga nagpaparamdam mga kaibigan ko. So, I will not be standing on one side but will mediate the common ground for everyone to have a better communication. 

“That’s where I will be. Sabi nga ng tatay ko, madaling maging hari, pero we’re born as jesters, so I will remain as a jester,” sabi pa ng “Voltes V: The Legacy” star.

Read more...