Kit Thompson handang magpakita ng 'pagkalalaki' sa movie pero may kundisyon... | Bandera

Kit Thompson handang magpakita ng ‘pagkalalaki’ sa movie pero may kundisyon…

Ervin Santiago |September 26,2021
facebook
share this

Kit Thompson handang magpakita ng ‘pagkalalaki’ sa movie pero may kundisyon…

Ervin Santiago - September 26, 2021 - 09:18 AM

Kit Thompson

PAYAG ang Kapamilya hunk actor na si Kit Thompson na magpakita ng kanyang pagkalalaki sa mga susunod niyang pelikula kung talagang kinakailangan.

Isa si Kit sa mga male stars ngayon na walang takot maghubad at makipagchurvahan sa mga nakakatambal niya sa movies, palaban talaga siya sa mga laplapan at love scenes.

Sa award-winning Cinemalaya 2019 entry na “Belle Douleur” ay walang takot na nagpakita ng pwet si Kit bukod pa sa mga umaatikabong sex scenes nila ni Mylene Dizon.

Sa bagong pelikula ni Kit na “Moonlight Butterfly” under the direction of Joel Lamangan, na launching movie ng Belladonas member na si Christine Bermas, inaasahang mapapapalaban na naman ang aktor sa hubaran.

Gagampanan niya ang role ng isang American diplomat na si Eliott, na isa palang CIA agent. Mai-involve siya sa karakter ni Christine na mas magpapagulo sa kanyang buhay.

Humarap ang cast ng “Moonlight Butterfly” sa ilang members ng media kamakailan bago mag-start ang kanilang shooting at dito nga natanong kay Kit kung handa ba siyang mag-frontal sakaling i-require ni Direk Joel.

“Well, sa akin, okey lang ‘yun. Siguro, yung lakas ng loob ko, kung saan nanggagaling yung lakas ng loob ko is because, one, I trust my director. Kasi, hindi ko ito magagawa kung hindi ako nagtitiwala sa direktor.

“Two, doon sa frontal, that depends kung saan gagamitin ang materyal. If it’s just gonna be part of that, no, I don’t see ano why I should do it.

“Pero if it’s gonna be for something na ano, maybe international film festival, something like that, who knows? Maybe. We’ll see. Sa ngayon, hindi ko pa alam,” paliwanag ng binata.

Samantala, isa pa sa naitanong kay Kit ang tungkol sa mga indecent proposal na mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz matapos umamin ang ilang aktor tungkol dito.

Kung siya ba ang makakatanggap ng offer, mao-offend ba siya o mapapa-flatter? “Ako naman kasi, mabait lang ako. Kapag may ganu’n, siyempre, nao-off ako. Pero you know, just try to be nice. You know, respectful. Whatever.”

Kamakailan, ay pinagpiyestahan ng netizens ang hubo’t hubad na Instagram photo ni Kit na kuha noong magbakasyon siya sa Siargao. Tinakpan naman niya ng buko ang kanyang pagkalalaki.

“Sa Manila, hindi mangyayari yun! Sa Siargao lang yun mangyayari! Those were good times!” natatawang sey pa ng aktor.

Kuwento pa ni Kit, nakita raw niya sa isla ang engaged couple na sina  Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, “Gusto ko na ngang tumira du’n. Parang doon na lang ako bibili ng lupa. Doon na lang ako titira.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi, sa Manila, crowded. Congested. Yung lifestyle. Doon, mga simple lang. Ang mura ng isda. Tuna, ganito kalaki, P200! Saan ka makakabili nu’n dito, di ba?” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending