Netizens napa-wow sa daring photo ni Kris

GINULAT ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang madlang pipol sa latest post nito sa Instagram.

“OMG muntik malaglag phone ko pagkakita ko wow naman!” ito ang komento ng kaibigan ni Kris Aquino na si Darla Sauler na taga-Kapamilya network at kilalang vlogger.

Sinundan pa ng komento ni Angel Locsin ng, “Aba aba.”

Kasi naman first time gawin ni Kris na magpakuha ng larawang nakahubad ng nakatalikod na maraming bula habang nasa shower pero nakalingon naman kaya alam na hindi ito dinaya.

Pababa hanggang beywang na muntik ng makita ang but ng larawan ni Kris na obvisouly ay pino-promote niya ang shower liquid soap ng ini-endorso niyang brand.

Ang tarush ng kilalang brand dahil napapayag nilang magpakuha si Tetay ng nakahubad sa estado niya at sa edad niyang 50.

Ang caption ni Kris sa larawan niya.

“It’s reassuring to know during difficult times that there’s someone who has your back…” umpisa ng TV personality.

Aniya, kuha daw ang litrato isang araw bago mamatay ang kaniyang kapatid na si dating Pang. Noynoy Aquino. Nagpapasalamat siya sa kilalang brand dahil naintindihan ng mga ito na kinakailangan niya ng time bago ito i-upload.

“Maraming nagbago sa buhay ko since this pic was taken: may sobrang lungkot, may very stressful, (someone special to my brother & now me was in ICU BUT survived), and may special & unexpected.

“3 months after: I now completely understand why my mom would often remind me “to whom much is given, much is expected in return,’ dagdag pa nito.

Giit niya, ang kilalang brand daw ng sabon ang gamit ng kaniyang mga magulang at kapatid na yumao kaya ipagpapatuloy daw nila ng kaniyang mga anak ang “tradisyong” ito.

“Hindi ako ang magulang ko, hindi ako ang kuya ko- BUT everyday I’m grateful more of them is coming out in me, especially my ability to make the difficult decisions when needed and to put others’ needs before my own.

“Alam ko ang ilan sasabihin dapat tahimik ko ‘tong ginawa pero kung hindi ko ‘to i-post, hindi makakalampag yung kailangan makarinig that it’s our responsibility to have our fellow Filipinos’ backs.” saad pa nito.

At ang magandang balita, ang talent fee na natanggap ni Kris para sa nasabing shower liquid soap ay itutulong niya para sa government health workers na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang kanilang hazard pay.

Aniya, “In its entirety, I’m donating my talent fee from this post for our govt healthcare workers who are yet to get their backwages (we are in contact with PGH) and I’m giving the rest sa Malabon program: Karinderiya para sa Kalusugan nI Chikiting.

“Naniniwala pa rin ako na may kinabukasan ang (bandila ng Pilipinas). Kaya para sa mga bumubuhay sa ‘tin ngayon at para sa dapat mabuhay na malusog para makabangon tayong muli, kayo ang pinili ko. #lovelovelove”

Read more...