Neri Miranda excited sa wedding reception nina Cherry at Arniel

MASAYANG ibinahagi ni Neri Miranda sa kaniyang Facebook account na nakausap na ng kaniyang business partner sa Cebu ang viral bride na si Cherry Pie Purisima para ayusin ang naudlot nitong reception.

Ipinangako kasi ng dating aktres at negosyante na sasagutin nito ang reception ni Cherry matapos mapanuod ang video ng viral bride na humahagulgol dahil na-scam ito ng sariling wedding coordinator.

“Super excited na ako para sa mag-asawa esp kay Cherry Pie. Deserve ng lahat ng kababaihan na maging mala prinsesa sa kanyang kasal. Minsan lang ‘to!” saad ni Neri.

“Syempre ang pinakamahalaga yung nagmamahalan sila ng kanyang kabiyak. Simple man ang reception o magarbo, ang importante ay kung ano ang laman ng kanilang mga puso,” dagdag pa nito.

Mukhang may bonggang pasabog pa si Neri dahil base sa kaniyang post, may quiet emoji ito.

Anyways, deserve naman ni Cherry kung ano man ang natatanggap nitong blessings matapos ang naging experience nito sa kaniyang wedding coordinator.

Isa pa, tama rin si Neri na dapat ay mala prinsesa ang pakiramdam ng isang bride dahil isa ito sa pinakaimportanteng pangyayari para sa mga babae, simple o engrande man ang kasal.

Samantala, hindi na itutuloy ng kampo nina Cherry ang pagsasama ng kaso laban sa wedding coordinator nitong si Naser Fuentes.

Matatandaang nahuli at na-detain si Naser sa Basak Police Station, ilang oras bago nito pagtangkaang kitilin ang sariling buhay noong Huwebes, Setyembre 23 dahil sa kaso nitong estafa noong 2013.

Read more...