Dennis Trillo may bubog na natagpuan sa pagkain ni Jennylyn | Bandera

Dennis Trillo may bubog na natagpuan sa pagkain ni Jennylyn

Therese Arceo |September 25,2021
facebook
share this

Dennis Trillo may bubog na natagpuan sa pagkain ni Jennylyn

Therese Arceo - September 25, 2021 - 01:18 PM

HINDI na napigilan ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang inis sa isang restaurant matapos may matagpuang bubog sa binili niyang pagkain para sa kasintahang si Jennylyn Mercado.

Inihayag nito sa kaniyang Instagram account ang pagkadismaya sa nasabing restaurant.

Ayon sa kaniya, ayaw niyang mangyari sa iba ang kanilang karanasan at diumano’y walang contact number ang nasabing restaurant at hindi raw nagrereply ang mga ito sa kaniyang messages sa IG kaya ipinost na lang niya ito.

“Nag order ako kagabi para kay Jen around 6pm, ito ang nangyare. Bakit may BUBOG sa pagkain niya????” saad nito.

Maririnig naman sa ang boses ni Jennylyn sa video na nagsasabing, “Buti ‘di ko nalunok.”

Napa-comment naman ang ilan sa mga celebrities gaya nina Jay R at Jerald Napoles.

“Yo thats f***ed up. Buti di niya nalunok,” comment ni Jay R.

“Ay pucha!!!” sey naman ni Jerald.

May mga netizens naman ang napa-commentvat napatanong na baka rock salt lang ito at di naman bubog.

“Alam po namin ang pinagkaiba ng rock salt sa bubog. Hindi masisira ang pasta kung ASIN ang nakagat!!!” sagot ng aktor.

Sa ngayon ay deleted na ang post ng aktor ukol sa nasabing restaurant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending