Anak ni Super Tekla, wala na sa kritikal na lagay matapos magpositibo sa COVID-19 | Bandera

Anak ni Super Tekla, wala na sa kritikal na lagay matapos magpositibo sa COVID-19

Therese Arceo |September 25,2021
facebook
share this

Anak ni Super Tekla, wala na sa kritikal na lagay matapos magpositibo sa COVID-19

Therese Arceo - September 25, 2021 - 12:52 PM

LUBOS ang nararamdamang saya ng komedyanteng si Romeo Librada o kilala bilang si Super Tekla dahil wala na sa critical level ang anak na si baby Angelo.

“The power of prayers TO GOD BE THE GLORY. Salamat at wala na sa critical level si Angge. Maayos na ‘yung paghinga nya. IN JESUS NAME COVID VIRUS MAWALA KANA DAMI MO NANG PININSALA,” saad ng komedyante sa kaniyang Facebook post.

Nagpasalamat rin ito sa lahat ng mga nagdasal para sa agarang paggaling ng anak at pati na rin sa mga nag-alaga kay baby Angelo habang ito naka-confine at kritikal ang lagay.

“Salamat sa inyong dasal for Angge. Sobrang malaking tulong sa recovery nya. Salamat kay Princess at sa lahat ng frontliners, medical staff, doctors, at sa buong pamunuan ng QCGH sa pag-asikaso kay Angge. Mabuhay po kayo,” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa nito, “Si God na bahala sa ‘di matawarabf dedication nyo sa mga nangangailangan sa panahon ng pandemic na ‘to.”

Pinaalalahanan naman ni Super Tekla ang mga magulang na pangalagaang mabuti ang kanilang mga anak sapagkat hindi biro ang COVID-19.

Matatandaan na kahapon lamang ng ibahagi ng komedyante na nagpositibo ang anak nito sa nakakahawang virus at isang magandang balita na nakalagpas si baby Angelo sa critical level.

Patuloy ang dasal namin para sa tuluyang paggaling mo baby Angelo at nawa’y magsilbing paalala ito sa mga magulang na hindi biro ang sakit at mas higpitan ang pag-iingat at pag-aalaga sa mga anak lalo na’t mas nakkahawa ang variant na kumakalat sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending