Claudine kakandidato bilang konsehal sa Olongapo?

KAKANDIDATO pala bilang konsehal ng Olongapo City ang aktres na si Claudine Barretto? Nakita namin sa Bangon Olongapo 2022 Facebook page ang poster o tarpaulin na kasama ang pangalan ng aktres at siyam pa habang ang kakandidatong mayor ay ang talent manager na si Arnold Vegafria.

Medyo naguluhan kami kay Claudine dahil ang alam namin ay rehistrado siya ng Quezon City at dito rin siya nakatira, sa isang ekslusibong subdibisyon.

Ayon sa aming nalaman ay nitong Biyernes, Setyembre 24, nagpa-file ng transfer of voter registration si Claudine sa COMELEC Olongapo.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Claudine Barretto.

* * *

Kalupitan ang kapalit ng pagmamakaawa ni Francine Diaz bilang si Joy sa tiyahing si Eula Valdes as Deborah sa seryeng Huwg Kang Mangamba na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Base sa umeereng episode ng HKM ay nawalan na ng masasandalan si Joy dahil sa biglaang pagkawala ng kapatid niyang si Andrea Brillantes (Mira) at ng lola nilang si Sylvia Sanchez (Barang) na muling pinadala sa isang mental facility, kaya naman mag-isa na lang niyang hinaharap ang mga pagsubok sa buhay at ang pagdadalamhati sa balitang patay na ang nanay nila ni Mira.

Pagkatapos lumuhod at humingi ng tawad kay Deborah, tinitiis ngayon ni Joy ang pang-aabuso sa kamay ng pekeng faith healer para mapalapit dito at maimbestigahan ang mga iligal na gawain nito. Umaasa kasi si Joy na kapag napabagsak niya ang tiyahin ay mabubuong muli ang kanyang pamilya.

Habang palakas nang palakas ang puwersa ni Deborah sa Hermoso sa pagdami ng mga debotong handa siyang ipagtanggol, napapalapit naman si Mylene Dizon sa karakter na Eva sa katotohanang tiwaling mayor, ang asawa niyang si Miguel na ginagampanan ni RK Bagatsing na kasosyo si Deborah sa mga iligal na gawain.

Dahil sa nararamdamang pag-iisa, tuluyan na bang tatalikuran ni Joy si Bro? Kakalimutan na rin ba ni Joy si Mira?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng Huwag Kang Mangamba gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Read more...