Anak ni Super Tekla, nagpositibo sa COVID-19 | Bandera

Anak ni Super Tekla, nagpositibo sa COVID-19

Therese Arceo |September 24,2021
facebook
share this

Anak ni Super Tekla, nagpositibo sa COVID-19

Therese Arceo - September 24, 2021 - 05:27 PM

HUMIHINGI ng panalangin ang komedyante at vlogger na si Super Tekla matapos magpositibo ang anak nitong si baby Angelo sa COVID-19.

“Kahit Anung ingat… Need your prayers for Angelo confined,QCGH COVID,” anunsyo ni Tekla sa kaniyang Facebook account.

“Ama di ko alam ang gagawin. Kayo na ang bahala kay Angge,” dagdag pa nito.

Nito lang ay isinailalim sa operasyon ang kaniyang anak sa dating kinakasama na si Michelle matapos itong maisilang na may anorectal malformation o kawalan ng butas sa kaniyang puwit na naging matagumpay naman.

Ngayon ay muling nahaharap sa matinding pagsubok ang pamilya ni Super Tekla dahil sa pagkaka-confine at pagkakaroon ng nakakahawang sakit ng anak.

Umani naman ng suporta, panalangin, at pagmamahal ang comment section ng FB post ng komedyante.

“Get well soon God is good all the time Laban baby angelo,” comment ng isang netizen.

“Magpakatatag ka idol. Kailangan mo lang ng malakas na loob dahil si baby angge nilakasan nya loob nya. He is strong dahil kinaya nya lahat. Kaya ikaw wag mawalan ng pag asa para di rin manghina si baby Angge.

“Kaya nya yan in God’s grace. Lord God hipuin mo po si baby Angelo. Palakasin mo po siya, bigyan mo po ng lunas kung ano man ang karamdaman na mayroon siya ngayon. Bigyan nyo po ng lakas na loob ang kanyang ama. Amen,” pagpapalakas ng loob ng netizen kay Tekla.

“Prayer for the recovery of all the sick esp. Angge. Lord God through your healing and powerful hands touch them and they will heal. Amen,” dalangin ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending