Dream ni Maja na makasama si Piolo sa isang project, matutupad na! | Bandera

Dream ni Maja na makasama si Piolo sa isang project, matutupad na!

Reggee Bonoan |September 24,2021
facebook
share this

Dream ni Maja na makasama si Piolo sa isang project, matutupad na!

Reggee Bonoan - September 24, 2021 - 04:28 PM

WISH GRANTED! Matagal na palang pangarap ni Maja Salvador na makasama si Piolo Pascual sa isang project pero hindi nangyari sa ilang taon niya sa ABS CBN.

Kaya naman hindi mapigil ni Maja ang tuwa ng mapa-oo si Papa P na mag-guest sa teleserye nila ni Noel Comia, Jr na “Nina Nino” sa TV5 na pumapangalawa sa ratings game sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Nitong Huwebes ng gabi ay pinost ni Maja sa kanyang Instagram account ang teaser ng pagpasok ni Piolo sa “Nina Nino” na kunwari ay nawawala sa bukid.

Ang caption ng aktres, “Ito naaaaa! @piolo_pascual Pangarap ko lang to! Salamat Papa P!!! Next Movie naman please. #NiñaNiñoSaTV5.”

Gagampanan ng aktor ang karakter na Mayor Charles sa lalawigan ng Fuentebella kung saan dadayo siya sa barangay nina Maja na Sta. Ynez.

‘Hindi na PapaPigil pa, PapaPiging na ang Sta. Ynez dahil nandito na si mayor. Abangan si Piolo Pascual sa Nina Nino.’ Ito ang teaser na pinost ng aktres at ng CS Studios, Cignal at Spring Films.

Mahigit sa 200k ang views ng teaser at kulang 300 naman ang nagkomento sa pangunguna ni Jericho Rosales, “klasik ha, ha, haha.

Sumagot naman si Papa P sa post ni Maja, “geym na!!”

“Ayayayay” naman ang post ni @laraquigaman.

Sinagot ni Maja naman ng, “@laraquigaman, sorry na boobsie, ha, ha, haha.”

Hmm, mukhang may private joke ang dalawang aktres.

Say naman ng komedyanang si Kaka Bautista, “ha, ha, ha, beshieeee.”

Maging ang direktor na si Gino Santos ay nagpadala ng emoji na OK. Isa ang direktor sa mina-manage ng Crown Artist Management nina Maja at boyfriend nitong si Rambo Nunez.

May mga nagsabi ring sana pelikula naman ang susunod na pagsasamahan nina Piolo at Maja na ang tawag sa kanila ay PioDor.

Isa si Piolo sa producer ng Nina Nino bilang isa sa may-ari ng Spring Films kaya hindi imposibleng pagbigyan niya ang pangarap ng lead star niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, nakapag-taping na ang aktor ng Nina Nino bago siya pumirma ng ekslusibong kontrata sa Kapamilya network kung saan nakatakda niyang gawin ang Flower of Evil kasama ang bagong Kapamilya na si Lovi Poe handog ng Dreamscape Entertainment.

Simula sa Okt. 25 mapapanood na si Papa P sa nasabing serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending