RR sumabak sa challenge ni Aiko; first time makakain ng sinawsaw sa patis | Bandera

RR sumabak sa challenge ni Aiko; first time makakain ng sinawsaw sa patis

Reggee Bonoan |September 24,2021
facebook
share this

RR sumabak sa challenge ni Aiko; first time makakain ng sinawsaw sa patis

Reggee Bonoan - September 24, 2021 - 03:01 PM

PAGPAPATULOY ito ng isinulat namin kahapon tungkol sa interview ni Aiko Melendez kay RR Enriquez sa isa nitong vlog sa YouTube.

Dito nga niya tinanggap ang titulong Sawsawera Queen dahil sa pagsawsaw niya sa mga maiinit na issue sa showbiz. Maraming naaaliw sa kanya pero may mga namba-bash din sa kanya.
Kaya tanong ni Aiko kung pumapatol ba ang Sawsawera Queen sa bashers. Sagot ni RR, “Sometimes at ito ang nakakatawa, siguro mga 10 lang sila, bilang na bilang kasi pino-post ko sila sa IG stories ko tapos mostly bashers ko, sila ‘yung nagba backout kasi napipikon sila sa pinagsasabi ko.”
“Like ano, sample?” say ni Aiko.

“One time may nam-bash sa akin tapos tsinek ko ‘yung profile pic niya, sorry ha hindi ko nilalahat ng nambabastos.

“She’s a cancer survivor, so minessage ko siya, ipinost ko. Sabi ko, ‘ate cancer survivor ka pero ang sama ng ugali mo. Pasalamat ka nabigyan ka pa ni God ng chance para mabuhay sana gamitin mo ‘yan sa tama.’

“Ako naman ganu’n hindi ako basta-basta mang-aaway, hindi ako basta-basta papatol. Ngayon kapag may nakita akong mali sa ginagawa mo, iko-correct kita,” kuwento ni RR.

“Kasi rin naman‘yung mga bashers minsan wala sa lugar na parang mas magaling pa sila ro’n sa taom ‘oh ikaw na lang dito?’ susog din ni Aiko.

Dagdag pa,” nu’ng una palapatol ako lalo nap ag sa anak ko hay Diyosko, pero ngayon block na lang. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa inyo.”

Samantala, may pa-game si Aiko, “Iboto mo, Isawsaw mo” kung saan may mga pagkain sa harap nila ni RR at may mga plastic cup sa harap na may mga inisyal ng mga personalidad na sinawsawan niya sa Instagram.

“May sasabihin akong adjectives that best describe them. Pag may ayaw kang sagutin magsasabi ka ng pass at kakain ka ng wasabi kaya (kung ayaw kumain) panindigan mon a sis, ‘wag kang magpa-pass,” paliwanag ni Aiko sa mechanics ng laro nila.

Unang tanong, ‘sino sa mga sinabihan mo ng mga issues mo sa Instagram ang makunat?’

“Makunat? Kakabasa ko lang, sabi sa kanya for sure raw si YS ang gumastos sa Baguio, sabi ni ML kasi marami raw pera si YS,” sagot ni RR at sabay sawsaw ng fishball kay PC.

Sabi pa,“Uy joke-joke lang ‘to ah baka mamaya ….Baka mamaya maniwala ka PC bahala ka, pero malay ko baka nga makunat ka (sabay kain ng fishball). Patis? Natawa ako kasi first time kong makakain na sinawsaw sa patis.”

Namumula naman sa tawa si Aiko, “sensya ka na sis ah, baka mahirapan ka na uling i-guest. At least hindi mo ako makakalimutan sa reunion natin.”

Ikalawang tanong, ‘sino sa mga sinawsawan mo ng opinyon mo na feeling mo malambot na puwedeng lagyan ng double meaning.’

“Malambot na lang si PC pa rin (sabay sawsaw ulit ng fishball). Naging malambot siya ro’n,” diin ni RR.

“Ay oo kasi marupok siya?” saad ni Aiko.

Ikatlong tanong, ‘sino naman sa lahat ang maumbok.’

Naghalakhakan ang dalawa sabay sabi ni RR, “nagiging green minded ako! Hindi ito maka-Christian sorry, sorry Lord. Feeling koi to kasi nakita ko ‘yung picture niya kanina ha, ha, haha kasi pinost nga ni ML (picture) mukha siyang maumbok (sabay sawsaw kay YS). At least yummy maumbok (sabay namula). Ano ‘to (sawsawan). Toyong may sili? Potek, mahilig ako sa maanghang, pero ang anghang ha wow.”

Tinikman din ni Aiko at naanghangan din siya sa rami ng sili na nakalagay.

Ika-apat na tanong, ‘sino ang tama sa lahat ng ‘yan.’

“Ako talaga ‘yan (sabay kuha ng hotdog at sinawsaw sa may inisyal niya). Ngayon lang ako makakatikim ng hotdog na may asin, ah. I love your show, promise (sabay kain ng hotdog). Ang alat, masarap,” sabi ni RR.

Tinikman din ng aktres, “ang alat nga, pero masarap ‘yung hotdog.”

Ikalimang tanong, ‘sino sa tingin mo d’yan ang malaki?”

Sinawsaw ulit ni RR ang hotdog kay YS, “ito malaki ang boobs, feeling ko.”

“Ah talaga? Titingnan ko nga ‘yung mga IG niya. Ano lasa? Si YS ‘yung maanghang, eh,” sabi ni Aiko.

Last question, ‘sino sa tingin mo diyan sa lahat na ‘yan ang dapat hindi na pagbigyan ng pagkakataon na magsalita, mag-post ng anything para i-defend ang sarili niya.’

Mabilis na sabi ni RR, “siyempre si PC. Para sa akin bilang lalaki kung hindi ka rin lang magsasabi ng totoo, stop na huwag ka na magbigay ng mga comment mo or apology kasi parang mas lumalala lang ‘yung situation not unless nage-enjoy ka sa (popularity sabi ni Aiko)”

Tanong ulit kay RR, ‘paano kung nakasalubong mo si PC at sabihin, RR may problem aka bas a akin?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabihin ko, panoorin mo ‘yung vlog ni Aiko nasagot ko na, wala akong problema sa ‘yo!” mabilis na sagot ng dalaga.

Natatawang sundot pa ni RR, “nakakatawa wala akong problema sa mga ‘yan, hindi ko sila kilala. Naghahanap ako ng problema. Bored lang talaga ako dahil pandemic wala akong problema.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending