Alfred hindi pa kering sumabak sa lock-in taping; paandar na online raffle suportado ng mga celebs

Alfred Vargas

TALAGANG hindi kayang talikuran ng aktor at public servant na si Alfred Vargas ang showbiz dahil naging mahalagang bahagi na ito ng kanyang buhay.

Kahit na sobrang busy sa trabaho niya bilang kongresista saDistrict 5 sa Quezon City, naglalaan pa rin siya ng panahon para sa mga importanteng kaganapan sa entertainment industry.

Tulad na lang sa darating na Linggo, Sept. 26 silang dalawa ng Kapuso actress na si  Sanya Lopez ang magsisilbing host sa 36th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club.

“I’m honored and flattered na mapiling mag-host ng Star Awards. Institution na ang PMPC through th years at isang malaking karangalan ang i-host ito with none other than Ms. Sanya Lopez. Naalala ko tuloy ang Encantadia 1 and 1,” sabi ng kongresista.

Sa naunang panayam namin sa aktor, siniguro niya na never niyang tatalikuran ang pag-aartista dahil isa ito sa pinagkakautangan niya ng loob kung nasaan man siya ngayon.

“Pero sa ngayon hindi ko pa kaya tumanggap ng acting roles na sunod-sunod or that would require me to be on lock-in taping for a long period of time. 

“This year tumanggi na ako ng 5 to 6 projects both on TV and Film. Wala akong time kasi naka-focus ako sa pandemic, and I don’t think I will be filming anytime soon dahil delikado pa talaga ngayon,” pahayag ni Alfred.

Dagdag pa nita, “I will continue doing roles that I want. I’m doing this as my passion naman kaya no pressure na kung marami pa ba akong raket or wala. I’m acting para mapuno ulit ang puso ko kasi kailangan ko to. It feeds my soul.” 

Samantala, todo ang pasasalamat ng actor-politician sa mga kapwa niya artista na tumutulong sa proyekto nila sa Q.C., ang “PM: Pusong Matulungin Online Raffle.”

In fairness, lagi naming nakikita ito sa Facebook page ng kongresista, “Sa amin lang ito. Sariling efforts since last year. Noong umpisa pa lang ng pandemic at unang ECQ pa lang.

“Super suwerte kami sa partners. We learned na marami talagang gustong tumulong sa kapwa. Nakagagaan ng loob. Parami nang parami ‘yung partners every week. Bale may 62 weeks na namin itong ginagawa,” kuwento ni Alfred.

Actually, proyekto nila ito ng kanyang kapatid na si Konsi PM Vargas na mula sa sarili nilang bulsa, “Pero the following week may dumagdag na sponsors naging five. Ngayon we have around 60 sponsors na! They give what they can. No pressure. Welcome lahat ng tulong.”

Karamihan nga sa tinutukoy na sponsors ni Alfred ay mula sa entertainment industry. Ayaw mang magpabanggit ng mga tumulong na artista ay napilit pa rin ang kongresista na pangalanan sila para makapagpasalamat ang mga taga-Q.C..

“Ang mga artista na nag-donate ay sina Ms. Ai Ai delas Alas, Rocco and Melissa Nacino, Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Diana Zubiri, Glaiza de Castro, Carmina Villarroel, Shaina Magdayao, Carlene Aguilar, Direk Mac Alejandre, Lara Quigaman, Dimples Romana, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Patricia Tumulak, Solenn Heusaff, and many others.

“Actually, sila ang mga unang tumulong sa amin last year noong umpisa. Sobrang naa-appreciate namin ‘yun. Suwerte tayo dahil may mga artistang matulungin at ayaw pa nilang ipabanggit mga pangalan nila,” sabi pa ni Alfred.

Sa pagbabahagi pa ni Alfred, ang kanyang kapatid na si PM ang talagang may idea ng pamimigay ng raffle, “Exactly 62 Saturdays ago. Si PM ‘yung nakaisip. He thought of a way na makatulong at makapagbigay saya sa tao by using social media. We started na raffle, 10 grocery bags lang, then 1 tablet, then 1 mountainbike only.

“Ngayon almost 200 na ang raffle items weekly. Minsan umaabot pa ng 350 per week. Estimate, we have given prizes and help to around 12,000 to 15,000 beneficiaries already since last year. ‘Yung major prizes, kami ni PM usually and nagde-deliver sa mga winner,” ani Alfred.

Read more...