USAP-USAPAN ngayon sa social media ang dating “Goin’ Bulilit” star na si Nash Aguas.
Pormal na kasing nanumpa ang aktor sa partidong Lakas-CMD at tatakbo bilang konsehal ng Cavite City sa darating na halalan 2022.
Marami sa mga netizens ang nagulat sa desisyon ng aktor na pagtakbo sa darating na eleksyon at umani ito ng napakaraming batikos laban sa binata.
“Cavite, lugar na pwede manalo ang artista sa pulitika,” comment ng isang netizen.
“Bhe nabasa mo na ba yung 1987 Philippine Constitution? Kabisado mo na ba ang preamble? Kaloka kang bata ka HAHAHAHA,” sey ng isa pa.
“Anyare na? Bakit parang puro artista nalang? Ano ba palagay nila sa government natin? TV station?,” dagdag pa ng isa.
“Sobrang baba ng qualifications naten sa govt officials kaya ayan kung sino sino na lang ang tumatakbo. Ano gagawin niyan? Magsstream??? Josporsanto,” hirit pa ng isang netizen.
Sa kabila ng kumpirmadong pagtakbo bilang konsehal, wala pang opisyal na pahayag ang binata ukol dito.
Nakilala si Nash sa mundo ng showbiz simula noong limang taong gulang pa lamang ito.
Mas nakilala ito sa kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at bumida rin sa mga teen-oriented shows gaya ng “Luv U”. Nagkaroon rin ito ng maraming pelikula at teleserye sa Kapamilya network.