IBINANDERA ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang kaniyang latest photo kung saan kitang-kita ang improvement ng kaniyang katawan.
Sa kaniyang Instagram post, ipinaalala nito ang body positivity sa kaniyang caption na, “Remember to love every inch of you.”
Hindi naman kaila sa madlang pipol na nagpapapayat ang aktres sa mga nakalipas na buwan.
Noong Hunyo nang magsimula siya sa kaniyang fitness journey sa pamamagitan ng new-nutritionist approved food plan. Ito ay isang calorie-control diet base sa mga rekomendasyon ng isang kilalang clinic.
Marami naman ang natuwa at napa-wow sa malaking improvement ni Angel. Ilan na nga rito ang kaniyang celebroty friends pati na rin ang asawang si Neil Arce.
“Hayerp mars,” comment ni Angelica Panganiban.
“YASSSSSS” sey naman ni Bea Alonzo with matching fire emoji.
Tila speechless naman ang best friend nitong si Dimples Romana sa sobrang hot ng kaibigan at tanging fire and heart emoji ang nai-comment. Agad naman siyang nireplyan ng aktres ng “Kalma anggulo lang yan! Hahahaha”
Isang netizen naman ang nagtanong kung ano ang naging sekreto ng aktres sa pagpayat dahil tila hindi umeepekto sa netizen ang kaniyang ginagawang diet.
Reply ni Angel, “Have you checked your hormones? Sometimes kasi sila yung culprit.”
Nagrekomenda rin ang aktres ng magaling na endocrinologist mula sa isang clinic at sinabing through zoom ang check up dito.
Matatandaan na noong 2015 nang magkaroon ng pagbabago sa kalusugan at timbang ang aktres matapos itong magkaroon ng spinal disc bulge kung saan nakakaramdam siya ng sakit sa tuwing siya ay magwo-work out o kapag may sudden movements siyang nagawa.
Hindi rin nakaligtas ang aktres sa mga body shamers dahil sa naging pagbabago sa kaniyang katawan ngunit pinili ng aktres na huwag na lang pansinin ang mga komento ukol sa kaniyang pangangatawan. Dagdag pa niya, naaawa siya sa mga taong ito dahil “malungkot” ang kanilang buhay.