Bakit nga ba si Doc Willie Ong ang napiling VP ni Isko Moreno?

Isko Moreno at Willie Ong

DAPAT sana ay sa Setyembre 28 pa mag-aanunsyo si Manila Mayor Isko Moreno na kakandidato siya sa pagkapresidente ng Pilipinas sa 2022.

Pero kahapon nga ay naglabasan na ang balita na kumpirmadong tatakbo na raw sa darating na eleksyon ang alkalde ng Maynila at ang magiging ka-tandem niya bilang bise-presidente ay ang doktor na si Willie Ong. 

Naglabasan din sa social media ang poster ng silhouette ng isang lalaking may nakalagay na, “Pilipinas IM Ready. Paparating na siya abangan.” Obviously ang “IM” ay ang initials ni Isko Moreno.

Napapanood na rin ngayon ang paid ad ng mayor kung saan inisa-isa ang kanyang mga achievements bilang public servant.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay marami ang nagpadala ng mensahe sa amin na kinausap na raw ni Yorme Isko ang ilang Chinese friends nito sa Manila tungkol sa plano niya sa 2022.

“Sinabihan ako ng Chinese friend about sa message ni Yorme sa mga ito na tatakbo siya bilang president,” ayon sa aming source.

Kailan lang ay nahalal si Mayor Isko ng Aksyon Demokratiko political party para sa posisyon pero bago ito ay balitang kinausap na siya ng grupo ng mga abogado para hikayatin din siyang kumandidato sa pagkapangulo ng bansa.

Anila, “We believe that you are the leader who will bring about a responsive and responsible governance, and usher a new hope for our country. We hope that you make yourself available to be the country’s next president.”

Nitong Martes ay umamin naman si Julius Leonen ng Manila City Public Information Office sa mga news reporters na, “Yes, it’s true. Isko-Doc Willie 2022.”

Si Doc Willie ay may mahigit na 16 million followers sa Facebook at 6.54 million subscribers sa YouTube.

Siya ang dating consultant ng Department of Health at siya rin ang nagbigay ng babala tungkol sa paggamit ng Dengvaxia, na isang anti-degue vaccine hanggang sa pinahinto ito noong 2017.

Kaya siya kumandidatong senador noong 2019 ayon sa panayam niya noon sa Philippine News Agency ay dahil, “There is a hole in the Senate” at kailangan doon ng katulad niyang manggagamot para maisaayos ang healthcare policy.

Samantala, marami ang nagtanong bakit si Doc Willie Ong ang gusto ni Mayor Isko na ka-tandem. 

Base sa pahayag ng veteran strategist na si Lito Banayo sa panayam nito sa ANC, “He told Doc Willie that, you know, if it had not been for the fact that my Vice Mayor (Dr. Honey Lacuna) in Manila is a medical practitioner, I would not have been able to move quickly, prepare my city for the pandemic. But because she is a medical professional, she advised me and I followed.

“You can do more if you are within the system because within the system, you can highlight the need for bigger health budget, we can prioritize health lalo ngayon may pandemic,” sabi pa raw nito.

Kaninang umaga, pormal nang inilunsad nina Mayor Isko at Doc Willie ang kanilang kandidatura para sa Eleksyon 2022 na ginanap sa Baseco Compound, Tondo, Manila.

Read more...