Carla, Tom tuloy na ang dream wedding bago matapos ang 2021; Max inatake ng matinding nerbiyos

Max Collins, Rocco Nacino, Tom Rodriguez at Carla Abellana

PAREHONG inatake ng matinding kaba ang Kapuso stars na sina Carla Abellana at Max Collins nang sumabak sa lock-in taping ng bago nilang serye sa GMA, ang “To Have and To Hold.”

Ayon sa dalawang leading lady ni Rocco Nacino sa nasabing upcoming Kapuso drama series, siguradong ikagugulat na viewers ang mga mapangahas at pasabog nilang mga eksena.

Inamin ni Max sa ginanap na virtual mediacon ng bagong GMA primetime series kahapon, na grabe ang kaba niya sa proyektong ito lalo’t fan daw talaga siya ni Carla.

“Kinabahan ako because not only was it my first time working with Carla and I’m a fan of hers.

“The fact that I’d be working with Rocco and I know how great of an actor Rocco is, I was nervous that I wouldn’t be able to keep up with them, to be honest, but our chemistry was really really good and it’s something that I’m proud of.

“So, I think it’s more of excitement as opposed to nervousness and it worked, because it made me stay on my toes. And it made me do better and push harder as an actress,” pahayag ni Max.

Agree naman si Carla sa sinabi ni Max, natural lang daw sa isang artista ang makaramdam ng nerbiyos o takot sa bawat project ngunit malaking tulong din ito para mabigyan ng hustisya ang role na kanilang ginagampanan.

Sey ni Carla, “I agree on what she said, the part na that okay din ‘yung may konting kaba, may konting nervousness and discomfort, kasi nga it keeps you on your toes. I agree with that.”

Natanong naman ang direktor ng serye na si Don Michael Perez kung paano niya siniguro ang ligtas na lock-in taping nila sa Bataan na tumagal din ng ilang linggo at kung anu-ano ang mga ginawa nila para sa kanilang kalusugan.

“In a word I guess yoga, kasi importante ‘yung mental health ng lahat, hindi lang ng actors, kundi all the people working on the set. Tapos ang hirap talaga ng sitwasyon ‘di ba naka-bubble kayo.

“Kayo-kayo lang nagkikita, tapos wala kayong link sa outside world aside from telecommunications. So, importante ‘yung alagaan ‘yung mental health ng lahat ng taong involved,” aniya pa.

Abangan ang pinakabagong Telebabad series ng GMA, ang “To Have and To Hold” na magsisimula na sa Sept. 27. Kasama rin dito sina Ina Feleo, Roi Vinzon, Bing Pimentel, Valeen Montenegro, Gilleth Sandico, with the special participation of Rafael Rosell.

* * *

Samantala, kahit may banta pa rin ng pandemya, tuloy na tuloy na ang kasal nina Carla at Tom Rodriguez sa darating na Nobyembre.

Ayon sa aktres, hindi talaga madali ang mag-prepare ng kanilang dream wedding sa gitna ng COVID-19 pandemic, lalo pa’t paiba-iba ang protocols na ipinatutupad ng gobyerno.

Sey ni Carla, “Mas mahirap gawin, kasi pandemic po ngayon. Most especially because we don’t have full control of what’s happening around us pati ‘yung mga protocols, decision ng government. It affects everything, pero kahit paano naitatawid naman po so far.”

Read more...