Fans nina JULIA, ENCHONG, ENRIQUE nagreklamo sa ABS


Marami ang nalulungkot na fans nina Julia Montes, Enrique Gil at Enchong Dee sa kumakalat na chika na malapit na ring matapos ang Primetime Bida serye na Muling Buksan Ang Puso.

Marami raw kasi silang nanabasa sa mga social networking sites na hanggang October na lang daw ang teleserye ng tatlong pambatong youngstars ng Dos.

Kaya raw ang bilis-bilis na ng takbo ng kuwento ng Muling Buksan Ang Puso ay dahil nalalapit na nga ang ending nito.
Sa pagkakaalam namin, talagang one season lang ang nasabing serye at hindi lang namin sure kung may plano pang i-extend ito ng Dreamscape Productions.

Pero kung magpapatuloy ang pagrereklamo ng fans nina Julia, Enchong at Enrique, baka biglang magbago ang isip ng management at pahabain pa ng kaunti ang kuwento.

In fairness, mula kasi nang magsimula ang programa hanggang ngayon ay napakataas ng rating nito.At sa pagpapatuloy ng kuwento, mas marami pang kaabang-abang na eksena ang mapapanood sa mga susunod na episode.

Maipaglaban pa kaya ni Enchong ang pagmamahal niya para kay Julia, o susuko na lang siya para sa ikaliligaya ng kanyang minamahal?

Natutuwa naman kami sa mga humuhula sa magiging ending ng Muling Buksan Ang Puso, merong gustong ang magkatuluyan ay sina Julia at Enchong, meron namang nagsasabi na dapat ay sina Julia at Enrique.

Pero sa pagkakaalam namin, meron talagang mamamatay sa huling pasabog ng serye, kung sino ‘yun, ‘yan ang abangan nating lahat. Nakakaiyak ito, promise!

( Photo credit to Google )

Read more...