RR Enriquez bumilib kay Baron: Ang galing ni God sa buhay mo!

HUMANGA ang businesswoman at TV personality na si RR Enriquez sa kung paano nagbago ang buhay ng aktor matapos nitong mahanap ang daan patungo kay Lord.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi nito ang art card mula sa BANDERA kung saan may kalakip na quotation mula kay Baron Geisler.

“I stan with you Baron!! May God protect your testimony.

“I think everybody knows how messy your past is. Pero ang galing ni God sa buhay mo when He turn your mess into a message,” umpisa ni RR.

I believed that some people will still bash you and doubt yung mga changes sa buhay mo.

Aniya may mga tao pa rin daw na mangba-bash at magdududa sa naging pagbabago ng aktor pero naniniwala siyang ang mga taong ‘yun ay di pa nakaka-experience ng tunay na kapatawaran ng Diyos.

Dahil hindi daw pagdududahan o kukwestiyonin ng mga taong nakaranas ng tunay na kapatawaran mula sa Diyos ang pagbabago ng aktor.

“Always remember that as a follower of Christ you will never be perfect. There are times na madadapa ka pa din. Dahil hanggat nasa flesh tayo, may mga maling magagawa pa din tayo,” dagdag pa ng businesswoman.

Giit pa niya, nakakalungkot raw ang mga tao na mas nagpo-focus sa mga maling nagawa o nagagawa ng ibang tao sa halip na mapansin ang magandang pagbabago.

“What [is] important is you continue seeking God and you continue humbling yourself everytime na nadadapa ka or feeling mo weak ka..

“And lastly, Christianity is not a race… Some people think na kapag naging Christian ka dapat santo ka na. Wrong perception. You need Jesus because alam mo na apart from Him you are nothing,” saad pa ng businesswoman.

Napa-comment naman ang aktor sa post ng kaibigan.

“Salamat sis @rr.enriquez bilib ako sa integrity at dignidad nyong mag asawa. God bless. Nakaka bless at inspire ang buhay mo. Someday soon kita kita. For now stay safe and healthy ta tanan tanan,” reply naman ni Baron.

Nagpasalamat rin ito sa mga positibo at magagandang comment mula sa iba pang mga netizens.

“Thank you Lord sa mabubuting comments. Please stay happy! Eyes on Jesus. humble your presence in the Lord and He shall exalt you in due time. Kapit lang mga tol,” pasasalamat ni Baron.

Isa si Baron sa mga naging kontrobersyal na celebrity dahil nasangkot ito sa iba’t ibang isyu tulad na lang ng pananakit ng kapwa at pagkalulong sa pag-inom ng alak.

Ngunit ngayon ay nahanap na ni Baron ang landas tungo sa pagbabago at masaya na rin kasama ang asawang si Jamie at anak na si Talitha.

Read more...