Pia ibinandera ang ultimate dream: Wag kayong tatawa…gusto ko talagang maging theater actress!

Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach

NATUPAD na ni Pia Wurtzbach ang dalawa sa mga pangarap niya sa buhay — ang maging aktres at beauty queen pero may isa pa raw siyang “ultimate dream” na hindi pa nangyayari.

Sa bagong vlog ni Miss Universe 2015, inamin ng dalaga na gustung-gusto niyang subukan ang maging theater actress.

Sinagot ni Pia ang ilang questions ng kanyang Instagram followers at kabilang nga rito ang tungkol sa kanyang ultimate dream.

“Huwag kayong tatawa, ha!? Theater is my ultimate dream. It’s my big what if in life. Ay naku, alam ko tatawa kayo at sasabihin niyo na, ‘Ha? ‘Yung TV nga, movies, ‘di mo magawa nang maayos, eh.’ 

“Pero seriously, iba ‘yung teatro sa TV, sa movies. Ibang discipline ‘yan. But I really have high, high respects for theater actors and actresses. Parang ibang mundo siya,” paliwanag ng dalaga.

Aniya pa, “Every time I watch a play or a musical in person, I feel like I’m being transported into that world, and I can’t help but think na grabe, and galing nila. Ang galing nilang lahat, like, kahit saan ako tumingin may nangyayari.

“Ang theater kasi, from my understanding, ‘di ako expert, but theater is a kind of discipline where… wala kasing cut, ‘di ba sa theater? Walang cut, take two, walang ganu’n. You only get one chance to do it because live siya. 

“So kapag nagkamali ka, actually, ‘di ka pwedeng magkamali. Sa pagkakaintindi ko, kailangan kahit hindi mo lines, kailangan alam mo ‘yung script ng buong scene. Pati ‘yung mga script, lines, ng co-actors mo alam mo rin. Para alam niyo kung paano niyo sasaluhin ‘yung isa’t isa kapag may nagkamali,” aniya pa.

“Basta, it’s my big what if in life. Frustrated singer din kasi ako, kung hindi niyo alam,” natatawa pang chika ng Pinay beauty queen.

Samantala, natanong din si Pia kung paano niya hina-handle ang cultural differences sa pagitan nila ng kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey, na isang half-Scottish, half-Colombian.

“Communication is so important. Kailangan nag-uusap kayong dalawa. Siyempre dapat aware ka na okay, ito ‘yung culture nila. Siya rin sa ‘yo, dapat aware din siya na ito ‘yung culture mo. 

“Kailangang maging open-minded ka. Alam mo na minsan hindi kayo pareho. Magkaibang tao kayo so it’s not fair to expect na mage-gets agad or mag-a-adjust agad. Pareho kayo, kailangan may understanding at kailangan mag-adjust. Pag-usapan niyo lang. Open communication is so important.

“Thankfully, he finds my little Pinay quirks to be very charming. Siguro kung Pilipino ‘yung boyfriend ko, baduy ako. Pero sa kanya hindi ako baduy, so check!” chika pa ni Pia.

Read more...