Christine Bermas, Quinn Carillo, Hershie de Leon, Ivan Carapiet, Albie Casino at Kit Thompson
PALABAN sa hubaran at sa mga umaatikabong sex scenes ang baguhang young actress na si Christine Bermas.
Ipinakilala kamakailan sa ilang miyembro ng entertainment press si Christine kasama ang iba pang cast members ng launching movie niyang “Moonlight Butterfly”.
Ito’y mula sa produksyon ng 316 Media Network nina Melo Uy at Len Carrillo, sa direksyon ng award-winning veteran director na si Joel Lamangan at sa panulat ni Eric Ramos.
Humarap sa face-to-face presscon at story conference ng “Moonlight Butterfly” si Christine kasama ang iba pang stars ng movie tulad nina Kit Thompson, Albie Casino, Tanya Gomez, Quinn Carrillo, Gigo de Guzman, Hershie de Leon, Jim Pebangco, Ivan Carapiet at Jolo Estrada.
Pagkatapos ng matagumpay at kontrobersyal na pelikulang “Silab” na pinagbidahan ni Cloe Barreto, itong “Moonlight Butterfly” naman ang bagong pasabog ng 316 Media Network.
Kuwento nina Direk Joel at Eric, magsisimula ang pelikula bilang sexy romantic drama na unti-unting magiging suspense-spy thriller kaya siguradong ikagugulat ng manonood ang twist and turns sa kuwento lalo na ang ending nito.
Next week na ang simula ng lock-in shooting ng pelikula kaya naman todo na ang paghahanda ni Christine pati na ang iba pang members ng cast para sa kani-kanilang character.
Siniguro rin ni Christine na handa siyang gawin ang lahat ng maseselang eksena na ipagagawa sa kanya ni Direk Joel.
Naniniwala raw ang dalaga na hindi naman isasama ng beteranong direktor ang mga ganu’ng eksena kung hindi kailangan sa pelikula.
Sey pa ng aktres, hindi rin niya uurungan ang mga palaban din sa hubaran na sina Kit at Albie na siyang magbibinyag sa kanya pagdating sa maiinit na halikan at love scenes.
(P.S. Bago nagsimula ang media launching at storycon ng Moonlight Butterfly ay istriktong sinunod ng production ang lahat ng safety protocols sa venue tulad ng antigen swabbing test mula sa staff, mga artista at invited press.)