Diego Loyzaga
PABOR ang aktor na si Diego Loyzaga na magkaroon ng batas para maging legal na ang same sex marriage sa Pilipinas.
Sa nakaraang virtual mediacon para sa bago niyang pelikula sa Viva Films, ang LGBTQIA+ movie na “Bekis On The Run”, natanong namin ang binata kung payag ba siyang i-legalize na ang pagpapakasal ng gay couples sa bansa.
Diretsahang sumagot ng “yes” ang aktor at sinabing, “It’s something that should be allowed and I don’t think it should stop there.
“I think sex education should be a very big thing here in the Philippines as compared to other countries where the younger citizens are well taught and they know how to protect themselves and it’s a normal part of life,” paliwanag pa niya.
Samantala, naikuwento rin ni Diego ang hindi kagandagang experience niya sa isang beki noong teenager pa lang siya. Ngunit nilinaw niya na hindu naman siya naging homophobic.
Sabi ng binata, “Merong instance but it’s not because he was gay. I was younger, I was something like 13 or 14 and this specific gay dude, wala siyang filter.
“Ang dami niyang itinanong sa akin and meron siyang binanggit about my family na hindi ko nagustuhan pero hindi naman ako naging bastos sa kanya,” pahayag ng boyfriend ni Barbie Imperial.
Patuloy pang kuwento ng binata, napilitan daw siyang magsalita at ipagtanggol ang kanyang pamilya dahil nakaka-offend na raw ang ginagawa nito.
“Sinagot ko lang siya noong medyo off yung sinabi niya. I don’t think it would matter if he’s gay or straight or girl or boy or tomboy or whatever.
“I think if it’s rude, it’s rude. It doesn’t matter what your sexual orientation is kaya ko lang siya sinabihan na I don’t like what you asked me ‘coz it’s about a family member who passed away.
“It’s kinda off, pero aside from that wala akong maisip o malaala (na masama o nakakabastos na karanasan sa mga beki),” ang kuwento ni Diego tungkol sa rude gay na nakaengkuwentro niya noong baguhan pa lamang siya,” tuloy-tuloy na pahayag ng isa sa mga lead star ng “Bekis On The Run” na mapapanood na ngayon sa Vivamax.
Kasama rin sa movie sina Christian Bables, Sean de Guzman, Kylie Verzosa at marami pang iba, sa direksyon ni Joel Lamangan.