RR Enriquez Sawsawera Queen: Wala talaga akong ginagawa sa buhay, kaya naging tsismosa…

RR Enriquez at Aiko Melendez

“WALA talaga akong magawa sa buhay ko kaya naging hobby ko ang pagiging sawsawera!” 

Ito ang paliwanag ng aktres at negosyanteng si RR Enriquez sa panayam ng kaibigan niyang si Aiko Melendez na in-upload nito sa kanyang YouTube channel kagabi.

Hiningan ni Aiko ng reaksyon si RR sa bagong tawag sa kanyang “sawsawera queen.”

“Sis, wala tayong magawa sa buhay, at least ikaw busy ka ang dami mong mga ginagawa pero ako although I have a business pero may mga staff din na gumagawa.

“Wala talaga akong ginagawa sa buhay ko sis kaya parang naging hobby ko na talaga ang maging sawsawera, tsismosa alam mo ‘yung ganu’n?  

“Nag-enjoy naman ako, na-enjoy ko,” natatawang kuwento ng dating dancer ni Willie Revillame sa programa nitong “Wowowee” noon sa ABS-CBN.

“Pero hindi mo naman pinagkakakitaan, bakit hindi ka maging talk show, ‘yung vlog mo sis baka puwede naman ano, di ba?  Mag-vlog ka na rin at least pinagkakakitaan mo ‘yang pagiging sawsawera mo,” payo ni Aiko kay RR.

Hirit ng dalaga, “Yun na nga sis, gusto ko nang mag-vlog, decided na ako. Gagawa ako ng sarili kong show, nakita ko ‘yung mga set-up mo, e, sosyal! Bigla akong napaatras parang ayaw ko na. Ang sosyal ng vlog ni Aiko.”

May mga tinanong si Aiko na puro initials lang para raw safe at bahala na ang viewers na hulaan nila ang mga taong nabanggit.

“Si MH at saka si LS?” say ng aktres kaya napaisip nang matagal si RR kaya ibinulong na lang ng vlogger kung sino ang mga ito.

“Oh my gosh, official sawsawera! Ha-hahaha!” tumawang sagot ni RR.

Hirit ni Aiko, “Hindi mo na naalala ‘yung mga ano mo?”

“Oo nga kasi ‘yung mga initials,” sambit ng negosyante.

“Mag-isip sila kung sino ‘yung mga pinag-uusapan natin pero obvious naman na si ____ ano yun,” say ni Aiko.

“Naawa ako kay MH at hindi ko siya close friend.  Although nakasama ko siya rati kasi friend ko ‘yung ex niya, eh. Kumbaga naawa ako kasi ang daming artista, marami akong kilalang artista na talagang super down talaga ngayong pandemic. 

“Especially nu’ng nagkaroon ako ng coffee business may mga natutulungan kami kahit paano, so alam mo ‘yung hindi lahat ng nasa showbiz me pera especially pandemic kahit nga sobrang sikat, may kilala ako sis sobrang sikat niya,” biting kuwento ni RR.

Kaya si Aiko ay na-curious at pilit na inaalam pero ayaw sabihin ng kaibigan, pag wala na raw kamera saka ibubulong.

“May pa-blind item ka pa, the new sawsawera queen!” tumatawang sabi ni Aiko sa kaibigan.

Tanong ulit ng aktres kung ano ang masasabi nito kina PC at YS, “Ay ‘yung pinaka-latest na pinost ko?  Actually nu’ng pinost ko medyo nag-trending din kahit paano,” saad ng dalaga.

“Anong medyo, nag-trending talaga.  Anong view mo ro’n, anong masasabi mo bilang official sawsawera ka na? Ano ang damdamin mo sa dalawa,” tanong ng vlogger-actress

“Sa truth lang tayo, ayokong mam-bash pero base sa post kasi, oo binabase natin kasi sa post ni PC.

“Wow, okay na sana kasi hindi naman lahat ng lalaki ina-admit nila ‘yung kasalanan nila, di ba?  Ang sablay ‘yung number 4 kasi ipinagtanggol niya ‘yung YS,” giit ni RR.

Tsinek namin ang sinasabing number 4 ni RR sa mga pahayag ni PC at ito ‘yung sinasabi niyang nagpunta siya sa probinsyang malamig, maraming strawberry at ube jam dahil gusto niyang makapag-isip-isip at tinawagan niya ang kaibigang si YS bilang kaibigan para may makausap na hindi naman niya naisip na magiging malaking isyu pala iyon.

Ang malamang sabi ni RR bago naputol ang tsikahan nila ni Aiko sa vlog, “Kinompare ko lang ‘yung sarili ko na kaming mga babae hindi kami sumasama sa lalaki kapag hindi namin type!”

Sinegundahan naman ito ng aktres, “Totoo naman ‘yan.”

Abangan ang ikalawang bahagi ng tsikahan nina Aiko at RR.

Read more...