Carlo Biado, kampeon sa 2021 US Open Pool

Photo from Matchroom Pool

Makalipas ang halos tatlong dekada, isang Filipino billiard player ang muling itinanghal na US Open Pool champion.

Taong 1994 pa nang huling makuha ng pool legend na si Efren โ€˜Bataโ€™ Reyes ang titulo, ngunit hindi na binitawan ng tubong-La Union na si Carlo Biado ang pagkakataong muling maiuwi ngayong taon ang kampeonato.

Tinalo niya si Singaporean Aloysius Yapp, 13-8, sa Harrahโ€™s Resort sa Atlantic City, New Jersey ngayong Linggo (Manila time)

Lamang si Yapp, 8-3, nang sumablay ito sa pagtira sa 9-ball. Ginawa itong oportunidad ni Biado para maipasok ang ang 10 straight racks na nakapagbigay sa kanya ng titulo.

Naipaghiganti ni Biado ang kapwa Filipino na si Dennis Orcollo na tinalo ni Yapp sa semi-finals.

Ang dating world champion ay umabot sa finals nang talunin niya si Naoyuki Oi ng Japan, 11-9.

โ€œI am very happy because this event is one of my dreams. I dedicate this to my family and to my baby. Thank you to all of you even during the pandemic youโ€™re still here watching around the world,โ€ sabi ni Biado.

Sa kanyang pagkakapanalo, naiuwi ng 37-anyos na si Biado ang $50,000 top prize o P2.5 milyon.

Read more...