Karla Estrada inunfollow na rin si Dominic, pati si Bea damay Bandera

Karla Estrada inunfollow na rin si Dominic, pati si Bea damay

Therese Arceo |September 17,2021
share this

Karla Estrada inunfollow na rin si Dominic, pati si Bea damay

Therese Arceo September 17, 2021 - 07:02 PM

TULUYAN na ngang inunfollow ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa Instagram ang aktor at businessman na si Dominic Roque.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz na “Ogie Diaz Showbiz Update” sinabi nito na inunfollow na nga ni Momshie Karla ang dating kaibigan ng anak.

Matatandaan na naisulat na namin noon dito sa Bandera ang pag-unfollow ni DJ sa kaibigan.

Usap-usapan noon na na-friendzone raw kasi ni Dominic ang kapatid ni DJ na si Magui kaya inunfollow niya ito.

Agad naman itong pinabulaanan ni Ogie at sinabing may iba pang dahilan ang ‘do pagkakasundo ng dalawa.

“Narinig ko lang ha. Parang may kinalaman nga ito sa Dominic Roque at Daniel Padilla gap. Dahil sa pagkakaalam ko Jegs, may nasabihan si Karla na isang tao na sinabi niyang si Dominic, malabo na silang magkaayos ni DJ,” saad ni Ogie.

“Eh anyway, kung nanonood si Karla, mabuti nang linawin niya ang isyung ito, para na rin sa kapanatagan ng loob ng mga fans ni Daniel, kung sila man ay nagtatanong din kung bakit nagkasira ang friendship ni Dominic at ni Daniel. Dahil sa pagkakaalam ko, sobrang tagal na sila.

“Ako ha, nalulungkot ako Jegs kung sakali hindi na magkaayos sina Dominic at DJ, kasi sayang yung friendship. Jusko naman, ang hirap-hirap pa naman makatagpo ng tunay na kaibigan sa mga panahon ngayon,” pagpapatuloy ni Ogie.

Tanong naman ni Tita Jegs, maiintindihan naman daw kung inunfollow ni Momshie Karla si Dominic pero bakit daw nadamay si Bea.

“According to my source, magkaibigan raw si Marjorie at Karla so baka daw may kinalaman doon,” sagot ni Ogie.

Baka raw pinili ni Karla ang kaibigan o di kaya’y ayaw niyang magkaroon pa ng issue o baka naman daw hindi naman talaga pina-follow ni Karla si Bea.

Anyways, bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Karla Estrada ukol sa isyung kinakaharap nito at para na rin sa kapanatagan ng mga maritess at mga supporters ng BeaDom at KathNiel.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending