Toni ‘cancelled’ na sa mga anti-Bongbong, haters tinalakan ni Ogie: Gawa rin kayo ng YouTube channel n’yo!

Toni Gonzaga

HAYAN, dahil trending ang panayam ni Toni Gonzaga-Soriano kay dating Sen. Bongbong Marcos sa kanyang YouTube channel ay umabot na sa 3 million ang views nito.

Hindi kasi nagustuhan ng netizens lalo na ng mga naging biktima ng Martial Law ang pagbibigay ni Toni ng oras sa anak ng tinaguriang diktador na si dating Presidente Ferdinand E. Marcos.

At para maging balanse ang panayam ay naglabas ng open letter ang The Ateneo Martial Law Museum para kay Toni at sinabihang interbyuhin din nito ang mga naging biktima ng Batas Militar.

Kaliwa’t kanan ang natanggap na batikos ni Toni at may nagsabing hindi na siya susuportahan o ang tinatawag na “cancelled” para sa mga kabataan ngayon.

Dahil sa terminong “cancelled” ay viral ulit sa social media ang panayam ni Toni sa dating “PBB” housemate turned vlogger na si Will Dasovich.

“I have been cancelled for 20 years of my life. Last year, I have been cancelled for one whole year during the pandemic. People tell me or my sister would tell me, ‘You’re trending, people are cancelling you.’ ‘Again? They have been cancelling me for 20 years.

“They can all betray you. You can move on from that. Pero when you betray yourself, that’s hard to forgive.

“It is not painful for me to be cancelled by society because I don’t cancel myself.

“No matter how many people or how many times you were cancelled by other people, what’s important is you never cancel yourself. Everybody can be against you, but you never have to be against yourself. Because that’s the biggest betrayal,” anang vlogger.

Samantala, nagbigay din ng opinyon ang kilalang talent manager at content provider na si Ogie Diaz sa mga bumabatikos kay Toni.

Aniya, “Kahit naman ako si Toni Gonzaga, bakit ko iinterbyuhin ang mga Martial Law victims?

“Andu’n na ako. Na wala ako doon. Na naiintindihan ko sila. Na somehow, alam ko din yon, kahit 2yo pa lang ako at that time at nalaman ko lang nung malaki na ako. Na nakikidalamhati tayo.

“Ano ba ang gusto nilang ikorek ke Toni eh nagtatanong lang naman yong tao? Kung feeling ng ibang netizens at historians na mali si Toni, mali ng claim si Bongbong Marcos, eh di gawa rin kayo ng YouTube channel, tirahin n’yo si Toni, boldyakin n’yo si Bongbong.

“Ilabas n’yo yung mga itinatago n’yong ebidensiya ng mga biktima ng Martial Law at ipamukha n’yo kay Toni o kay Bongbong at i-remind n’yo uli yung sambayanang Pilipino sa madilim na kasaysayan ng bansa nu’ng Martial Law. Di ba, mas okay yon? Mas kumpleto n’yong maipe-present ang kasaysayan noon.

“Pero ‘yung i-demand n’yo kay Toni na interbyuhin din niya ang mga biktima o pamilya ng mga biktima ng Martial Law, di ba, ka-oeyan yan? Unless pagbigyan kayo ni Toni. Choice niya na yon, dahil siya may-ari ng channel niya.

“Tingnan n’yo, kakasita n’yo kay Toni, ang daming na-curious, pumunta sa YT channel ni Toni, pinanood nila ‘yung Bongbong interview, nakadagdag pa ng views.

“So, ano? Dapat ba may isyu rin nu’ng unang panahon si VP Leni Robredo para manganak din ang number of views nito sa one-on-one interview nito with Toni a few weeks ago?” sabi pa ni Ogie.

Read more...