PASEKSIHAN ang drama ng ilang Star Magic artists when they attended the Star Magic Ball recently na ginanap sa isang hotel sa Makati.
Based on the photos that we saw sa internet ay attention-grabbing ang white number ni Shaina Magdayao. Bare-back na nga ito ay kita pa ang kanyang cleavage.
Hindi naman nagpatalbog si Kiray Celis sa kanyang black gown which also showed her bare back. Reynang-reyna naman si Kim Chiu at si Xian Lim naman ay at his handsomest sa kanyang outfit.
No wonder, itinanghal ang dalawa na Most Fabulous Pair of the Night. Kristine Hermosa is still radiant at napanatili ang kanyang svelte figure na kitang-kita sa kanyang blue gown.
Sam Concepcion came with his rumored girlfriend, Jasmine Curtis-Smith na taga-TV5. Bea Alonzo was a stunner in her serpentine gown. Boobs kung boobs ang labanan sa outfit niyang ito.
Outstanding din ang beauty ni Julia Montes sa kanyang Pepsi Herrera gown. Matronang-matrona naman ang dating ni Dina Bonnevie sa kanyang black number.
Simple lang din ang black gown ni Gretchen Barretto na balot na balot at meron lang white pearl accessories. Type namin ang pearl-accessorized gown ni Erich Gonzales which showed her svelte figure.
Simple lang ang gown ni Kathryn Bernardo but she’s radiantly beautiful lalo pa’t guwapong-guwapo ang ka-date niyang si Daniel Padilla na hindi siya hiniwalayan kahit isang sandali. Itinanghal na Couple of the Night ang dalawa.
Julia Barretto was stunningly beautiful in her yellow gown. Agaw-eksena naman ang boyfriend ni Yeng Constantino na si Yan Asuncion nang lumuhod ito sa dalaga habang nagbibigay ng flowers. Marami raw ang naloka sa eksena niyang ito.