Jed, Nyoy, Louie umaming napakahirap ng trabaho bilang hurado sa ‘TNT’

Louie Ocampo, Nyoy Volante at Jed Madela

INAMIN ng mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” na napakahirap din ng kanilang trabaho sa programa dahil halos lahat ng contestants ay palaban.

Ngayong darating na Sabado ay magaganap na ang pinakaaabangang grand finals kaya siguradong mapapasabak na naman sa matinding husgahan ang mga celebrity judge na sina Nyoy Volante, Jed Madela at Louie Ocampo.

Maglalaban-laban sa final showdown ng “TNT” ngayong season sina Reiven Umali, Froilan Cedilla, Psalm Manalo, Gem Christian, Adrian Manibale, Anthony Castillo, Lorraine Galvez at Aixia Mallary.

Sa naganap na “Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan” virtual mediacon, natanong ang tatlong hurado kung ano ang feeling ng nanghuhusga sa nasabing singing competition.

Sabi ni Jed, “Hindi siya madaling trabaho. Sa audition process nasala lahat ng magagaling and it’s true that we are given this huge responsibility but ang dami ring factors na kailangan i-consider. 

“Of course, every season kailangan mag-level up yung mga requirements namin as hurados to discover the talent kasi siyempre we want to see something different, we want to see someone better from the previous although lahat ng mga champions natin they are amazing in all of their styles and all their genres. 

“But of course in every season kailangan mag-level up so yun yung load and responsibility sa amin. What will the champion’s offer for this season?” pahayag pa ni Jed.

Para naman kay Nyoy, “Kasi what a lot of people are missing is it’s more than just saying, ‘Okay itong singer na ‘to. Itong singer na ‘to mas okay sa kanya.’

“It’s more than that eh, kasi you have to understand iba iba yung skill sets namin as musicians, as singers, so iba iba rin yung perceptions namin kung ano yung maganda, ano yung magaling. 

“And we are burdened to a certain extent with the responsibility of being correct. Kasi walang correct eh. It’s a matter of taste. But one thing’s for sure, iisa kami in the goal na lahat ng mga inputs namin sama sama.

“Kaya nga mapapansin niyo na kapag ang naglalaban laban sobrang galing pareho, nakatayo na kami nun, nag-uusap na kami. May group chat pa kami sa Viber. 

“Kasi it’s not easy. Kaya lalong lalo na kung yung sinasabi na parehong magaling yung naglalaban. Kasi definitely, kung ikaw masusunod, wala namang matatanggal dun sa dalawa eh. Pareho silang ma-re-retain kasi sobrang galing nila. But yun yung rules ng Tawag ng Tanghalan kailangan may manalo.

“Minsan gusto talaga namin maiyak kasi sana hindi na lang ganun yung rules. But at the end of the day that’s what we have to do. 

“It’s very, very hard just because meron kang responsibility na kailangang gawin pero as a matter of taste, lahat sila acceptable kasi halos walang pumapasok sa TNT na hindi magaling eh. Lahat sila magaling,” ang dire-diretsong pahayag ni Nyoy.

Sabi naman ng composer at ikatlong hurado na si Louie Ocampo, “I must admit it is difficult but it’s a very problem given to us. Why? Because we enjoy listening to everyone. They’re all very talented. They have high skills in their craft so it’s such a good problem and responsibility that we have to take in judging all of them.

“So having said that, enjoy eh. It’s a very good task. It’s a very good thing that we have to handle for them. I personally enjoy it because they are all so talented and at the end of the day, it’s so difficult to choose. 

“And when we say na ang gagaling nilang lahat, hindi yun plastic. Talagang magagaling silang lahat. It’s a good problem and I can do this for the rest of my life. Sana ganyan ang lahat ng problema,” natawa pa niyang sabi.

Abangan ang “Huling Tapatan” sa  “Tawag sa Tanghalan” sa “It’s Showtime” sa A2Z channel at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

Read more...