Darryl Yap: Ang kapal na lang ng mukha ko kung sasabihin kong sumusunod ako sa yapak ni Direk Wenn

Wenn Deramas at Darryl Yap

MATAAS ang respeto at paghanga ni Darryl Yap sa yumaong box-office director na si Wenn Deramas.

Kaya kapag may mga nagsasabi sa kanya na parang may “Wenn Deramas” feel ang ginagawa niyang mga pelikula ay nahihiya siya pero inamin niyang may “kilig” factor siyang nararamdaman.

Noong i-present nga raw niya sa mga executive ng Viva Films ang trailer ng bago niyang pelikulang “Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso” ay kinilabutan siya.

Mismong ang mga bossing daw ng Viva ang nagsabi na meron itong “Wenn Deramas vibe”.

“When I presented the trailer to the bosses, they had the same remarks. And after din nu’ng Jowable, yan din ang sinabi nila,” ang pahayag ni Direk Darry sa virtual presscon ng “Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso” na pinagbibidahan nina Aubrey Caraan at Marco Gallo.

Mabilis namang sinabi ng direktor na wala siyang intensyon na sundan ang style sa pagdidirek ng yumaong filmmaker, “Ang kapal na lang ng mukha ko kung sasabihin kong sumusunod ako sa yapak ni Direk Wenn.

“Pero kung maaalala n’yo, nu’ng ginagawa niya yung Tanging Ina series sinasabihan din siya ng mga tao na laging ano… na walang kuwenta yung ginagawa niyang pelikula at para lang sa mga hindi nag-iisip or something like that. 

“I look up to Direk Wenn because he is a master story teller. I’ve always admired all his works, kahit comedy pa yan or teleserye pa yan, Marina, lahat. 

“Mataas ang respeto ko sa kanya. Though wala na siya, he’s gone too soon, yung epekto niya as a filmmaker and as a storyteller, is really really big,” lahad pa ng kontrobersyal na direktor. 

“So when people say na parang may Wenn Deramas vibe or something like that, kinikilig ako do’n. Pero napakasaya ko tuwing sinasabi yan. Lalo na pag from the press. Kasi you people are really the ones who make or break a person, eh,” aniya pa.

Proud na proud naman ang direktor sa mga bidang artista niya sa “Ang Manananggal na Nahahati Ang Puso” na sina Aubrey at Marco kaya naman nananawagan siya sa madlang pipol na sana’y suportahan din ng manonood ang mga bagets.

“Ito lang masasabi ko, kung paano n’yo sana ako binigyan ng kaunti at maliit na espasyo sa showbiz, sana ibigay din natin yon kay Aubrey Caraan at Marco Gallo.

“Sapagkat, aside from the Beks Batallion (kasama rin sa movie), sila pong dalawa ay napaka-deserving sa pagtitiwala ng press people. Napakababait at totoong tao ng dalawang iyan. Sana suportahan n’yo sila,” aniya pa.

Read more...