Kris emosyonal sa muli nilang pagkikita ni Perry Choi: We’re both super afraid of COVID…thank you, Lord!

Kris Bernal at Perry Choi

BAGO ang kanilang “pandemic” wedding sa Sept. 25, nag-post ng isang appreciation message si Kris Bernal para sa kanyang fiancé na si Perry Choi.

Idinaan ito ng aktres sa Instagram kalakip ang mga bagong litrato nila ng future husband suot ang kanilang face mask at face shield.

Muling nagkita nang personal ang engaged couple makalipas ang ilang linggong pananatili sa kanilang mga bahay bilang pagsunod sa mas mahigpit na community quarantine sa Metro Manila.

“Hello outside world from the soon-to-be Mr. and Mrs. Choi. Reunited and it feels so good. Today is a happy day for me! Because we haven’t seen each other for a long time,” ang bahagi ng caption ni Kris sa kanyang IG post.

Aniya pa, “We’re both super afraid of (COVID-19). Thank you, Lord, for this chance!”

Mensahe pa ng dalaga, forever siyang magiging grateful sa kanyang mapapangasawa dahil sa walang sawang pagmamahal at suportang ibinibigay nito sa kanya lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“I’ll never get tired of saying thank you for always giving me endless, unconditional love and support. Always giving me so much more than I ever deserve. Never expecting anything in return,” lahad pa ng aktres.

“Never becoming selfish or self-centered. And, always looking out for my well-being and for our best interests. In short, (I just missed you),” dugtong pa ni Kris sa kanyang message at tinag pa si Perry.

Kung matatandaan, ilang beses nang na-postpone ang kasal nina Kris at Perry dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Ngunit inihayag ng aktres na nagdesisyon sila ng kanyang fiancé na itutuloy na nila ang seremonya sa  Sept. 25 kahit na ano pa ang mangyari. 

Hindi man daw ito ang pinangarap niyang wedding, thankful pa rin si Kris na ikakasal na siya sa lalaking pinakamamahal.

“Hello wedding month. I’m a pandemic bride-to-be. I’ve had to move what seems like mountains.

“After postponing for four times already, I’ve had to postpone my wedding a month before the date because of the numbers. But today the countdown resumes.

“So from last week’s wedding date announcement to postponing it just three days ago, we decided that the wedding must go on.

“It’s not about the perfect venue, styling, food, wedding invis, suppliers or even the 150 guests that were originally supposed to be invited.

“It’s about two people that love one another and choose each other forever. How amazing and crucial is that? Lol!” ang mensahe ni Kris sa nauna niyang IG post.

Read more...