USAP-USAPAN ngayon ang Kapamilya actress-host na si Toni Gonzaga matapos nitong ilabas ang one-on-one interview kay Bongbong Marcos.
Hindi natuwa ang madlang pipol sa naging desisyon ng aktres na paunlakan ng interview ang isang Marcos.
Damang-dama ang pagkadismaya ng mga netizens at muli na namang naungkat ang mga naging isyu nito na diumano’y Marcos apologist at DDS raw.
Marami ang nagsabi na puro kasinungalingan lang naman raw ang sinasabi ng dating senador at halatang ginagamit lang ang vlog ni Toni bilang parte ng kaniyang kampanya.
Dismayado rin ang mga ito dahil tila tinulungan pa ng aktres na iangat sa pedestal ang mga Marcos sa kabila ng mga ginawa ng pamilyang ito sa mga Pilipino.
“Toni Gonzaga is a disappointment.
If you will interview Bongbong, do not ask him about the greatest lesson he learned from his Dad.
Ask him about the money his family stole from the country.
Ask hard questions—or don’t interview at all.
JUST DON’T BE A FENCE-SITTING SELLOUT,” comment ni Francis Baraan IV.
“At this point, hindi pa din maintindihan ni Toni iyong influence and malaking following niya. Wala naman mawawala if tanggihan niya itong feature na to diba? Such a disappointment,” dagdag pa ng isang netizen.
Dapat raw ay mas naging maingat ang aktres sa pagpili ng mga taong bibigyan ng pagkakataon na ma-feature sa kanyang vlog lalo na’t malapit na ang eleksyon at malaking tulong ang vlog niya para sa exposure ng mga kandidato lalo pa’t nawiwili na ngayon sa panonood ng vlogs ang mga Pilipino.
“Stop giving a platform to the Marcoses. Wtf Toni. His father was a dictator. There are no buts or ifs, he killed many Filipinos under his governance and has stolen billions. Now they’re slowly trying to take back the Philippines and you’re helping them. What the hell,” saad ng isang netizen.
“Toni Gonzaga’s interview with Bongbong was obviously an attempt to humanize and change the image of his dad. The questions and answers were framed to change Marcos’ image.
Paiyak-iyak pa sa memory with his father. BUWAYA. #NeverAgain,” dagdag ng isang netizen.
Diin pa ng iba, ninong raw kasi ni Toni sa kasal si Bongbong kaya paniguradong kakampi ito sa kaniya.
Marami rin naman ang nagtanggol sa aktres at sinabing wala itong pinapanigan at nais lang nitong bigyan ng plataporma ang mga posibleng kumandidato sa 2022 para lubusang makilala ng mga Pilipino at mabigyan ito ng karagdagang kaalaman sa darating na eleksyon.
Napataas rin ang kilay ng mga netizens dahil tila hindi makikitaan ng remorse si Bongbong sa mga kasalanang ginawa ng pamilya nito sa sambayanang Pilipino.
“Toni Gonzaga can interview whomever she wants. Her channel, her rules,” depensa ng isang netizen.
Why, do they fight about something? This is just an interview. So anong gusto mo, kapag kaaway wag na i-interview? So yung mga gusto niyo na politika yun na lang ang i-interview and you will call that neutral? How shameful,” hirit ng isang netizen.
Dagdag pa nila, kung DDS at Marcos apologist si Toni ay sana hindi nito pinaunlakan sina Vice President Leni Robredo at Atty. Chel Diokno.
Agad naman itong kinontra ng ibang netizens at sinabing “front” raw ito ng aktres para hindi masabihang supporter at para mabigyan rin ng platform ang kaniyang ninong.
Mayroon ring nag-quote sa sinabi ni Bishop Desmund Tutu na “If you are neutral in situations of injustice, you have chosen the side of the oppressor. If an elephant has its foot on the tail of a mouse and you say that you are neutral, the mouse will not appreciate your neutrality” ukol sa diumano’y pagiging neutral ni Toni.
Anyway, bukas ang BANDERA para sa magiging paliwanag ng aktres ukol sa usaping ito.