Beauty natawa nang ligawan ng bagets; Kelvin mas type magkadyowa ng 'matanda' | Bandera

Beauty natawa nang ligawan ng bagets; Kelvin mas type magkadyowa ng ‘matanda’

Ervin Santiago |September 12,2021
facebook
share this

Beauty natawa nang ligawan ng bagets; Kelvin mas type magkadyowa ng ‘matanda’

Ervin Santiago - September 12, 2021 - 03:41 PM

Kelvin Miranda at Beauty Gonzalez

NGAYON pa lang ay mainit nang pinag-uusapan ang konsepto at tema ng bagong Kapuso mini-series na “Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette” na pagbibidahan nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

Sa kanyang kauna-unahang Kapuso serye, nakatakdang gumanap si Beauty bilang si Bridgette de Leon, isang guidance counselor na makaka-summer fling ni Marcus Villareal (Kelvin) na kanya palang estudyante. 

Dahil isang May-December love affair ang tema ng kanilang mini-series, natanong ang dalawa kung nagkaroon na ba sila ng dyowa na mas malayo ang edad sa kanila?

Sa totoong buhay, mas bata ng ilang taon si Beauty sa asawa niyang si Norman Crisologo pero na-experience na niyang maligawan ng mas bagets.

“I had an experience also na may nanligaw sa akin na bata but natatawa ako. Never ko pang na-try na nagkaroon ako ng relationship with a young man but I had a few suitors na bata sa akin.

Nagugulat na lang ako kasi parang anong nakita nila sa akin?” sagot ni Beauty sa nakaraang virtual mediacon ng “Loving Miss Bridgette.”

Ayon naman kay Kelvin, mas okay sa kanya na magkaroon ng girlfriend na mas older sa kanya, “Actually in real life, mas gusto ko talaga ‘yung older than me. Mas prefer ko lang ‘yung mas may edad lang talaga sa akin, siguro kahit mga five years or six years.”

Inamin din ng Kapuso young actor na may dalawa siyang ex-girlfriend na mas matanda sa kanya pero  dahil nga sa magkaiba nilang pananaw sa buhay, ay hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Samantala, excited na sina Beauty at Kelvin sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang mini-series at nagpapasalamat sila sa GMA na sila ang napili para sa nasabing proyekto.

“Makikita mo yung pagka-brilliant niya bilang aktres so na-excite ako na may matututunan ako sa kanya bilang aktor, bilang katrabaho niya,” pahayag ni Kelvin.

Sabi naman ni Beauty, “I was so excited to work with someone new, something different, something challenging for me. I was so happy because my expectations were met by Kelvin, I must say.” 

Sa kuwento ng “Loving Miss Bridgette,” magkakaroon ng summer fling sa pagitan ng bagong annulled na si Bridgette at mas nakababatang si Marcus.

Hindi nila inaasahang muli silang magkikita. Guidance counselor kasi si Bridgette sa university kung saan naka-enroll si Marcus bilang pre-med student. At sa muling pagkukrus ng kanilang landas magsisumula ang twist and turns sa takbo ng buhay nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na sa Sept. 13, 3:25 p.m. ang “Loving Miss Bridgette” sa GMA Afternoon Prime. Ito’y sa direksyon ni Adolf Alix kung saan kasama rin sina Bing Loyzaga, Adrian Alandy, Noel Colet, Polo Ravales, Lloyd Samartino at Nikki Co.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending