Ruby Rodriguez at AJ
ANG health condition ng anak niyang si AJ ang pinakarason kung bakit nagdesisyon si Ruby Rodriguez na magtungo at manirahan na sa Amerika.
Matagal na raw plano ng TV host-comedienne na umalis ng Pilipinas pero naudlot nga ito nang biglang magkaroon ng COVID-19 pandemic at nitong nakaraang Mayo lang siya nakaalis papuntang Los Angeles, California.
Kuwento ni Ruby, medyo may kalakihan ang nagagastos nila sa mga gamot ni AJ na may intellectual disability. Imagine, ang isang gamot pa lang daw nito ay aabot na sa P25,000 sa isang buwan.
Sa ngayon, nagtatrabaho na si Ruby sa legal department ng Philippine consulate na may kinalaman sa mga impormasyon ng lahat ng mga Pinoy na naninirahan sa Southern California.
“He (AJ) has intellectual disability, it means his brain is delayed at his biological age,” ang simulang kuwento ng komedyana sa panayam ng “Tunay Na Buhay.”
Aniya, nagsimula ang medical condition ni AJ sa edad na anim matapos siyang atakihin ng Henoch-Schönlein purpura na isang auto-immune disease.
“The HSP is not naman really rare, it’s not extremely rare. But it happens, pero one attack lang. Ang rare is a chronic attack of HSP, which AJ had.
“Because of his chronic attack, ang HSP damages internal organs specifically the kidneys,” paliwanag ng dating host ng “Eat Bulaga.”
Kuwento nga niya, bukod sa P25,000 halaga ng isang gamot ni AJ, may iba pa itong gamot na dapat inumin.
“My factor is for him to be a better child, because all I want for my son is a functioning member of the society.
“I’m not gonna force him to take college kung hindi na niya kakayanin. Basta ang kailangan, puwede niyang ma-support ‘yung sarili niya kapag wala na kami,” emosyonal pang pahayag ni Ruby.
Nauna rito, sinabi ni Ruby sa isang interview na ayaw niyang umasa sa iba para mabuhay kaya talagang naghanap siya ng trabaho abroad, “Paano naman tayo mabubuhay kung ‘di tayo magwo-work? Kasi mahirap ang buhay dito, alam naman nating lahat ‘yan.
“And we don’t want to be spoon-fed by my siblings who are here. Ano, forever na lang kaming dole-out? ‘Di naman pwede. So I went to the proper channels just for everyone to know. I was not appointed. Hindi po ako appointed,”
“I went to the proper channels, I applied, I submitted my curriculum vitae, my CV. I did all the requirements that were asked, all their hand tests and all, and when I passed, it was sent to the consulate and it just so happened na may vacancy sila for local hire ang tawag nila.
“Gusto kong ipakita sa mga tao na ‘di lahat ng artista, walang alam. Kasi meron silang gan’ung notion, ganu’ng stereotype. Gusto kong ipakita sa kanila na hindi po, normal din kaming tao at mayroon din kaming ibang mundo na maari pa kaming mabuhay,” diin pa ni Ruby.