MUKHANG hindi na napigilan ni RR Enriquez ang ‘makisawsaw’ sa kontrobersyang kinasasangkutan nina Paolo Contis at Yen Santos.
Matatandaan na kamakailan ay naglabas ng statement ang aktor upang linawin ang sarili ukol sa iba’t ibang isyu na ibinabato sa kanya kabilang na ang diumano’y third party raw na si Yen Santos.
Inamin naman ni Paolo na nagkamali at naging gago siya sa anim na taong relasyon nila ni LJ Reyes.
Ngunit pinabulaan ni Paolo ang isyu ukol kay Yen at sinabing hindi ito ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ at inimbitahan lang niya ito “as a friend”.
Bumilib si RR sa aktor nang aminin nito ang pagkakamali dahil para sa kaniya, hindi madali ang umamin sa kasalanan na nagawa lalo na in public pero kinuwestiyon niyo ang pahayag ng aktor na inimbita lang niya si Yen sa Baguio “as a friend”.
Tulad ng ibang netizens, hindi raw siya kumbinsido na kaibigan lang ang turing ni Paolo kay Yen.
Napahanga ako ni Paolo nung inako nya yung mga mali nya!!! Hindi lahat ng lalaki umaamin ng mali lalo in public ha…
“Kaso sumablay lang sa #4 bigla tuloy ako napaisip if sincere ang pag ako nya.. Kasi hindi pa tinodo,” saad ni RR.
“Ang masasabi ko lang sa #4 dont us!! Kaming mga babae hindi sumasama sa lalaki mag isa ‘as a friend’ lalo ang layo ng bibiyahihin namin.
“At hindi di kami basta basta umaangkla sa lalaking kasama namin if hindi namin gusto or karelasyon ha,” dagdag pa niya.
Ang #4 na sinasabi ni RR ay ang pahayag ni Paolo ukol sa pagpunta sa Baguio.
“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for three days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.
“Naging insensitive ako about The possible effects nung issue And I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.
“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” pahayag ni Paolo.
Sa kabila ng “pakikisawsaw” ay naging seryoso naman si RR sa post.
“Lahat tayo nagkakamali. Nananabang sa partner natin na akala natin nung una sila na talaga ang the one para sa atin.
“Kapag niloko or iniwan ka ng jowa mo palagi mo tatandaan na sinisave ka lang ni God sa mga pwede pang worst na gawin ng partner mo,” sey pa ng dalaga.
Huwag rin daw mag-feeling ang iba na sobrang linis at tumingin rin sa salamin dahil paniguradong may nagawa ring kasalanan ang iba hindi man pambabae o panlalaki pero for sure ay nagkasala rin ito.
Sa huli naman ay nagbiro ito at sinabing, “Ang pakikisawsaw ay hango sa tunay na storya! Patnubay ng magulang ang kailangan!”