Kris Aquino na-expose sa COVID-19 kahit sobrang ingat

kris aquino

KAYA matagal na nanahimik sa kanyang social media accounts si Kris Aquino ay dahil may pinagdaanan siya, na-expose sila sa staff niyang nag-positibo sa COVID 19.

Base yan sa kuwento ni Kris sa kanyang Instagram account na may video post nila ni Bimb.

“Sabi nila a cat has 9 lives-wishing for Bimb and me that we have 18? He has asthma, and I have been open about my autoimmune issues. Since August, 2020 we’ve had a total of 8 direct exposures sa staff living with us – some na very close contact- who all tested positive for Covid-19. Swerte si Kuya Josh our Tarlac resident, 6 of the 8 instances he was in Alto.

“Ang hirap paniwalaan na just this August, 4 of them – 2 in mid August, isa pa 5 days after, at may humabol after 2 weeks- kahit vaccinated nagkaroon. MAINGAT kami, everyone is aware that I have comorbidities pero iba talaga ang panahon ngayon. Complete kaming lahat sa vitamins and supplements, name it: air filter/purifier, sanitizer, disinfectant, anti-bacterial products – we have and we use.

“SUPER KULIT ako about hygiene, sa pagligo, sa paglinis ng lahat ng surfaces – stress reliever ko to wash our mugs, glasses, plates, and utensils. I’m especially focused on taking extra care of my skin and siyempre my voice, throat, and teeth – aware kaming puhunan ko and kabuhayan namin.”

Oo nga puhunan talaga ni Kris ang kanyang boses bilang host kaya ingat na ingat siya, isama na ang magaganda nitong ngipin na unang nakikita sa kanya kapag nagsalita na siya.

At ang payo niya sa followers niya ay gumamit ng tamang toothpaste na makakatulong para mapanatiling maputi at magandang tingnan ang mga ngipin.

“Hiyangan talaga when it comes to toothpaste.

“Siguro by now alam na nating lahat that zinc is vital because it helps our body’s immune system and we need all the protection we can get dahil mahaba pa ang laban. Plus, it has all the oral care BENEFITS my family needs to keep our whole mouth at its HEALTHY BEST! Important talaga especially in today’s times.

“Honest lang, hindi mo puwedeng iasa sa iba ang kalusugan mo at ng pamilya mo. Right now the odds are against us, so I’m doing everything I can to fortify myself and everyone with us.”

Read more...