John Prats sa Ang Probinsyano death prank: Kinabahan kayo ‘no?!

MARAMI ang kinabahan sa diumano’y pagkamatay ni Jerome na karakter ni John Prats sa “Ang Probinsyano”.

Well madlang pipol, it’s a prank!!!

Nagtapos kasi ang episode noong Setyembre 7 ay nagtapos ito sa scene kung saan duguan ang karakter ni John Prats na tila binabawian na ng buhay.

Ngunit sa sumunod na episode kahapon, Setyembre 8 ay isa lang naman pala itong masamang panaginip at mismong si Cardo (Coco Martin) pa ang gumising sa kaniya at sinabing binabangungot siya.

Marami talaga ang naniwala na mawawala na ang karakter ni John Prats sa isa sa mga high-rated teleserye ng Kapamilya netowork dahil na rin sa bali-balitang aalis na ito sa teleserye para makapag-focus bilang bagong direktor ng “It’s Showtime”.

Nag-post pa nga ang aktor ng litrato nito na may nakasulat na “Hi, mga kaprobinsyano… kinabahan kayo, noh!” at may caption na “John Pranks (peace sign emoji)” kung saan marami sa mga netizens at kapwa artista ang napa-comment dahil napaniwala sila nito.

“Bweset!!! (laughing emoji)” comment ni Erik Santos.

Si Randy Santiago naman ay napa-oo with crying emoji pa sa kaniyang comment.

Saad naman ng isang netizen, “Direk isang malaking ‘ISHAPRAAAAAAANK’ pala HAHAHA.”

Hirit pa ng isang netizen, “Gusto kong magbitaw ng masasamang words.”

Mula pa noong 2016 ay parte na si John Prats ng “Ang Probinsyano” na ngayon nga ay kakasimula lamang ng bagong season kasabay ng ika-anim na anibersaryo ngayong Setyembre.

Read more...