Si Lovi nga ba ang tinutukoy sa teaser ng Dreamscape na lilipat sa ABS-CBN?

Lovi Poe

IISA ang hula ng maraming netizens tungkol sa isang kilalang celebrity na malapit na ring lumipat sa bakuran ng ABS-CBN.

Ang feeling ng madlang pipol, tuloy na tuloy na ang paglipat ng Kapuso singer-actress na si Lovi Poe sa Kapamilya Network matapos ang ilang buwan ding negosasyon.

Ngayong Huwebes ng umaga, mabilis na kumalat ang teaser na inilabas ng Dreamscape Entertainment sa kanilang mga social media accounts tungkol sa pagdating ng isang tinawag nilang “jewel” ngayong Setyembre.

Ang nakasulat sa nasabing teaser, “A precious jewel finds a new home.” May nakalagay din ditong hashtag “#JustLove” kung saan ang letrang “e” ay nakasulat ng kulay puti, habang ang ibang letra ay kulay purple.

Base sa post ng Dreamscape, ibabandera nila ang identity ng bago nilang Kapamilya sa darating na Sept. 16.

Maraming nag-comment sa post na ito sa Instagram at halos lahat ay si Lovi Poe ang hula. Ayon sa mga netizens, obvious naman daw sa ginamit na hashtag (#JustLove) na pangalan ni Lovi ang tinutukoy.

Komento pa ng ilang nakakita sa teaser, dati pang nababalita na lilipat na ang aktres sa ABS-CBN dahil hindi na nga ito pumirma ng kontrata sa GMA 7 matapos ang ilang taon ng pagiging Kapuso.

May mga IG users naman ang nagkomento na sana raw ay mapanood din nila si Lovi sa action serye ni Coco Martin na “Ang Probinsyano”. Pwede raw gumanap ang aktres na “third party” sa tambalan nina Coco at Julia Montes.

Kung matutuloy nga ang pagiging Kapamilya ni Lovi, siya na ang susunod na dating Kapuso na lumipat sa ABS-CBN. Nauna nang nag-ober da bakod sa Dos sina Sunshine Dizon at Janine Gutierrez.

Sa huling panayam ng press kay Lovi, tumanggi itong magbigay ng pahayag hinggil sa chikang tuluyan na niyang lalayasan ang Kapuso network para sa napakagandang offer daw ng ABS-CBN.

Aniya, “Right now, it’s hard to say. Everything is under negotiations. I’ve just finished my show. We’re still having the conversation.

“I think it’s best to keep it private because I don’t want to be… I want to respect both networks,” aniya pa nang humarap sa face-to-face mediacon ng pelikula nila ni Joem Bascon na “The Other Wife.” 

Kayo dear BANDERA readers, sa tingin n’yo ba si Lovi nga ang tinutukoy ng Dreamscape na magiging bagong Kapamilya? 

Read more...